Connect with us

Entertainment

True love wins! Kaladkaren, Engaged na sa Kanyang British Boyfriend na si Luke Wrightson Matapos ang Walong Taon

Napa-hash tags “Love wins” at “TransLOVEmatters” na lamang ang TV host na si Kaladkaren o kilala sa tunay na buhay bilang si Jervi Li, sa labis na kaligayahang nadarama. Dahil nito lamang ika-9 ng Setyembre, araw ng Miyerkules nang masaya niyang inanunsyo sa kanyang Twitter acount na matapos ang walong taong relasyon bilang magkasintahan, sa wakas ay nag-proposed na sa kanya ang kanyang long-time British boyfriend na si Luke Wrightson.

“OMG!!! After 8 years, we are ENGAGED! HUHUHUHU. Na-add to cart kona…in my life! 😭😭😭💍🌈 #Engaged #Lovewins #TransLOVEmatters”

Maliban nga sa kanyang post sa Twitter na punong-puno ng kaligayahan, ay may pasilip rin ang TV host sa kanyang vlog ng mga kaganapan sa kanilang engagement. Ipinasilip nga ni Kaladkaren sa kanyang mga tagahanga, kung paano naganap ang nakakakilig na proposal ng kanyang fiancee.




Pagsisimula nga ni Kaladkaren, ay halos hindi siya makapaniwala, na sa kabila ng kanyang pagiging transgender ay may taong magmamahal sa kanya ng totoo. Bata pa lamang umano siya ay marami na ang nagsasabing naiiba siya, ngunit nang dumating sa buhay niya ang kanyang prince charming ay nabago ang lahat, na kung saan ay naramdaman niya ang isang tunay na pagmamahal at totoong kaligayahan.

“Dati noong bata ako, akala ko wala nang taong magmamahal sa akin dahil bakla ako, transgender ako. Naiiba daw ako. Pero nung nakilala ko siya — my own prince charming — nagbago ang lahat. Naging masaya, naging totoo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KaladKaren (@kaladkaren) on

Ayon nga sa kwento ni Kaladkaren, ay itinago umano ni Luke ang singsing sa lagayan ng mga supplies, at matagal na umano itong nakalagay sa lugar na tila anumang oras ay handa na itong mag-propose sa kanya.

Ayon naman kay Luke, ay wala umano sa plano niya ang biglaang proposal dahil isang simpleng dinner date lamang ang nasa isip niya. Ngunit, habang masayang nag-uusap, ay nadako ang kanilang usapan sa pagpapakasal, matapos ipakita ni Kaladkaren ang isang engagement ring na nakita nito online, ay hindi na nga pinalamapas ni Luke ang pagkakataong ito upang hingin ang kamay ni Kaladkaren at alokin ito ng kasal.




At dahil nga, walong taon na silang magkasintahan, hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si Kaladkaren na ibigay ang matamis niyang “Yes”. Makikita nga ang labis na kaligayahan ni Kaladkaren matapos mag-propose ang kanyang nobyo at kanila ngang tinapos ng isang matamis na halik ang gabi ng kanilang engagement.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KaladKaren (@kaladkaren) on

Tunay nga, na sa pag-ibig, ang kailangan lang ay maniwala, maniwala na may taong itinakda para sa bawat isa na magmamahal ng tunay at walang kapantay.

“Oo nakakatakot magmahal, nakakatakot masaktan, nakakatakot iwanan. Pero sabi nga nila, minsan kailangan mo lang maniwala.”

Ibinahagi naman ni Kaladkaren sa kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz ang magandang balita na ito. Isa na nga rito si Tito Boy na nagpaabot ng pagbati sa kanila.

“Talagang proposal in the time of COVID. Beautiful.”

Noong taong 2017, nang makilala si Kaladkaren sa showbiz at nagsimula ang kanyang kasikatan bilang impersonator ng batikang broadcast journalist na si Karen Davila, na talaga nga namang gayang-gaya niya.

error: Content is protected !!