Connect with us

Stories

Trina Candaza, May Pasaring Sa Mga Amang Hindi Magawang Tumulong Sa Pag-aalaga Ng Anak Tuwing Gabi

Agaw atensyon kamakailan sa social media ang post ng partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza. Ito nga ay matapos niyang ibahagi sa Instagram story ang isang video kung saan makikita ang isang ina na abala sa pag-aalaga ng kanyang baby sa kalagitnaan ng gabi habang ang ama naman ay mahimbing na natutulog.

Photo credits: Trina Candaza | IG

Tila naman may nais ipahiwatig si Trina sa caption ng kanyang IG story. Ayon nga dito, ay nahihirapan parin sa siya sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Elona Mithi sa edad nito ngayon kung saan ay maraming beses paring magising sa gabi para uminom ng gatas.

“Same age kay Mithi yung baby. 8x gumising yung mom to feed the baby. Kaya sa mga nagtatanong kung namumuyat pa yung ganitong age, gumigising pa din sila ng ilang beses but milk lang okay na.”

Photo credits: Trina Candaza | IG

Ngunit, sa kasunod nito ay tila may pasaring na si Trina sa mga tatay na mahimbing na natutulog at pagising pa umanoy ibang babae pa ang iisipin.

“Yung tatay ang himbing lang ng tulog tas pag gising ibang babae pa iniisip niyan,”ayon pa nga kay Trina.

Agad naman itong napansin ng mga netizens, at umani ng samu’t saring reaksyon. Sa gitna nga ng mainit na isyung paghihiwalay ni Trina at partner nitong si Carlo, ay tila nga may nais itong iparating. Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang nang mapabalita ang pag-alis ng mag-inang Trina at Elona sa bahay ni Carlo, at lumipat sa bagong bahay. At dito nga ay nabuo ang espekulasyon na hiwalay na nga ang dalawa.

Photo credits: Trina Candaza | IG

Minsan na ring nagbahagi sa social media si Trina ng isang post patungkol sa diumanoy, “a partner seeing another woman.” Maliban dito ay isa pang makahulugang post sa Facebook ang ibinahagi ni Trina na tila naman ang tinutukoy nga nito ay ang kanyang partner na si Carlo. At dito nga, ay mas lalong tumibay ang hinala ng mga netizens na dumadaan sa matinding pagsubok ang relasyon ng dalawa.

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya.”

“Kung may pinupuntahan na agad na babae… Wag na kayo umasang magbabago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan magbabago.”

Photo credits: Trina Candaza | IG

Matatandaan na noong 2019 nang umugong ang balita tungkol sa relasyon nina Trina at Carlo, sa kabila nga ng pagkakalink ng aktor sa aktres na si Angelica Panganiban. At pagsapit ng Setyembre ng kaparehong taon ay nagbahagi si Carlo ng isang larawan kasama si Trina bilang kumpirmasyon na sila nga’y may relasyon. Isang taon lamang nga ang nakalipas, ay agad na biniyayaan ang kanilang pagsasama ng isang napakacute na baby girl, si Elona Mithi.

error: Content is protected !!