Connect with us

Entertainment

Trina Candaza at Carlo Aquino, Ipinasilip ang Kanilang Masayang Bakasyon sa Bohol Kasama ang Kanilang Napakacute na Anak

Isang masayang bakasyon ang hatid ng pamilya ng aktor na si Carlo Aquino at Trina Candaza sa kanilang mga tagahanga. Sa vlog na ibinahagi ni Trina na mapapanood sa kanyang YouTube channel nito lamang ika-7 ng Hulyo, ay ipinasilip niya ang kanilang masayang bakasyon sa Bohol kasama ang kanilang anak na si Enola Mithi.

Credit: Trina Candaza | Youtube

Makikita sa kanilang bakasyon sa napakagandang tanawin ng Bohol, na talagang nag-enjoy sila. Maliban sa paliligo sa dagat ay may mga side activities rin silang ginawa. Ilan nga sa mga ito ay ang pagpunta sa Virgin Island, nag-snorkeling, nakipaglaro sa mga pagong at marami pang iba.

Bukod naman sa kanilang masayang bonding moments, ay makikita rin ang enjoy nilang pagkain ng mga fresh seafoods habang sakay ng bangka na magdadala sa kanila sa Virgin Island. At nang marating nga ang isla ay talaga namang hahanga sa ganda ng tanawing masisilayan rito, na bukod sa napatahimik ay tila nangungusap rin sa ganda ang puting buhangin at kulay asul na karagatan.

Credit: Trina Candaza | Youtube

Credit: Trina Candaza | Youtube

Makikita rin na nakipagkwentuhan pa ang celebrity couple kasama ang kanilang mga kaibigan sa mga taong naroon sa isla. Makikita naman na talagang masayang-masaya ang magkasintahan sa kanilang pagpunta sa isla na animoy nasa isang paraiso sila. Enjoy na enjoy rin ang magkasintahan habang nagssnorkeling at nakipaglaro pa sa mga isda at pagong.

Matapos naman ang masayang bonding ng magkasintahan ay bumalik na sila sa resort na kanilang tinutuluyan. Dito naman ay makikita ang masayang bonding ng mag-amang Carlo at Enola Mithi habang naliligo sa pool. Masisilayan rin sa video kung gaano ka-hands on si Carlo pagdating sa pag-aalaga kay baby Enola.

Credit: Trina Candaza | Youtube

Credit: Trina Candaza | Youtube

Pagsapit naman ng gabi ay nagkulitan pa ang mag-ama bago matulog kung saan masisilayan ang napakacute na ngiti ni Baby Enola. Kinaumagahan naman ay nagkaroon naman ng mother and daughter bonding ang mag-inang Trina at Carlo sa dalampasigan na nakasuot pa ng twinning outfit.

Makikita naman sa Instagram ni Trina at Carlo ang sunod-sunod na post ng mga naggagandahang larawan na kuha sa kanilang masayang bakasyon sa Bohol kasama ang kanilang napakacute na baby girl.

Credit: Trina Candaza | Youtube

Matatandaan na noong nakaraang taon ng Setyembre nang isilang ni Trina ang panganay na anak nila ni Carlo. Minsan naman nang ibahagi ni Carlo kung paano nabago ang buhay niya magmula nang dumating ang kanyang anak na si Enola Mithi.

Ang dating buhay binata ngayon nga ay isang nang hands-on dad sa kanyang unica hija. Tunay nga na naging masaya at makulay ang buhay nina Trina at Carlo magmula nang dumating sa kanilang buhay ang napakacute na si Enola Mithi.

error: Content is protected !!