Trending: Video Ni Lea Salonga Habang Minamani Ang Pag-awit Ng Kantang Alone

Isa sa mga hinahangaan at tinitingalang singer ng ating bansa si Lea Salonga.

Photo Credit: Lea Salonga Instagram




Ang kanyang tinig sa pagkanta ay talagang napakahusay kaya naman hindi lang mula sa bansang Pilipinas ang kanyang mga tagahanga kundi maging sa iba pang panig ng mundo. Ang husay niya sa pag-awit ay nagdala sa kanya sa tagumpay kung saan bumida siya sa Miss Saigon, Les Miserable at naging bahagi rin ang kanyang magandang tinig ng ilang disney princess movies.

Photo Credit: Lea Salonga Instagram

Palagi na nating napapanood ang magaling na mang-aawit na si Lea sa mga programa sa telebisyon na talagang pinapakita ang kanyang husay sa pag-awit, ngunit ngayon ay kakaiba ang ipinakitang husay ng International Broadway Diva sa pag-awit sa trending video sa social media habang chill na chill na kinakanta ang Alone ng bandang Heart.

Screenshot: Lea Salonga-Team Lea Facebook 

Ang kuha ng video ay mula kay Marga Aquino na in-upload sa facebook page ng Lea Salonga-Team Lea. Mapapanood sa video ang masayang jamming ni Lea at ng banda na ginawa para sa kaibigan at kasama niya sa teatro na si Nyoy Volante na may kaarawan ng araw na iyon. Mapapansin na hindi handa si Lea sa biglaang performance na iyon dahil siya ay tumitingin pa sa kanyang cellphone para sa lyrics ng kanta.




Ngunit, hindi ito naging hadlang sa mahusay na mang-aawit dahil maning-mani nitong inawit ang kantang Alone at prente pa ito sa pagkakaupo na tila nilalaro lang ang kanta. Napakahusay ang naging pagbirit ni Lea sa kanta kaya naman hindi nabigo ang mga taong nasa paligid niya at naaliw ang mga ito.

Screenshot: Lea Salonga-Team Lea Facebook

Dahil sa husay ni Lea, agad na nag-viral sa social media ang kanyang pag-awit na katuwaan lamang. Umabot sa mahigit 1.7 million views ang video kasama pa ang halos 40,000 reactions, 1,000 comments, at 5,100 shares.

Maraming netizens ang humanga sa napakahusay na performance ni Lea na minani lang ang pag-awit. Hindi maitatanggi ang galing at husay nito sa pag-awit na maaaring makipagsabayan sa mga magagaling na singer sa bansa.

Screenshot: Lea Salonga-Team Lea Facebook

May ilang netizens ang nagbigay ng kanilang reaksyon sa mahusay na pag-awit ni Lea.

“She has an amazing voice. Not only with clear diction but with a biretera level of voice. I know her as a talented person but her belting prowess amazed me. Indeed our one and only Lea Salonga, ladies and gentlemen”




Sa kasalukuyan ay mapapanood natin ang mahusay na singer na si Lea sa programa ng ABS-CBN na The Voice Teens bilang coach, kasama sina Sarah Geronimo, Bamboo at Apl de Ap.

Panoorin ang pagbirit ni Lea sa all-time karaoke favorite na Alone:

Lea Salonga effortlessly singing Alone!!! We are stanning a queen! ❤️😭Video credits: Marga Aquino

Posted by Lea Salonga-Team Lea on Sunday, 26 January 2020