Connect with us

Entertainment

Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Ibinahagi ang Sekreto sa Matatag Nilang Pagsasama

Kamakailan lang ay may mga balita na lumabas tungkol sa mga celebrity couples na naghiwalay. Totoong mahirap makahanap ng partner sa mundo ng showbiz ngunit may iilan pa ring napatunayan na posible ito.

Isa rito ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado. Ang dalawa ay maituturing na matagumpay sa kanilang trabaho. Kinilala sila sa kanilang mahusay na pagganap sa iba’t ibang pelikula mula noon hanggang ngayon. Ilan sa mga naging proyekto ni Tonton ang Ika-5 Utos, FPJ’s Ang Probinsiyano, Pangako Sa ‘Yo, at marami pang iba.

Photo credits: google.com

Nagkaroon din naman ng pagganap si Glydel sa iba’t ibang pelikula. Ilan dito ay ang Sabel, The Rich Man’s Daughter, Ika-6 na Utos, at iba pa. Bukod sa kanilang talento, hinangaan din sila at kinilala bilang isa sa mga power couple sa showbiz noong ’90s. Ikinasal si Tonton at Glydel noong March 15, 2004 sa Sanctuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati.

Photo credits: google.com

Sa loob ng kanilang halos 18 na taong pagsasama, ipinakita nila kung gaano katatag ang kanilang relasyon bilang mag-asawa at ang kanilang magandang pagpapalaki sa kanilang mga anak. Mayroon silang dalawang anak na sina Aneeza at Aneeka. Makikita na isa sa mga bonding ng pamilya ay ang kanilang mga bakasyon abroad.

Photo credits: google.com

Ibinahagi din naman ni Glydel ang sekreto sa kanilang matatag at masayang pagsasama. Ayon sa kaniya, nakatulong ang maayos na komunikasyon nilang dalawa upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.

Photo credits: google.com

Bagamat mayroon pa rin silang mga away paminsan-minsan, agad naman nila itong nareresolba. Malaking bagay din daw na mayroon na silang naipon bago sila ikasal kaya madali nilang natustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ibinahagi rin ni Glydel ang mga magagandang katangian ni Tonton bilang isang asawa at tatay ng kanilang mga anak. Kwento niya, si Tonton ay

“good provider, mabait, maunawain.”

Wala rin daw siyang masabi sa kabaitan ng kaniyang asawa. Para naman kay Glydel, sinabi niyang isa siyang simple at pasensiyosang asawa kay Tonton. Hindi rin daw siya materyosa.

Makikita na talagang pinaghihirapan ni Glydel at Tonton na panatilihin ang kanilang magandang pagsasama. Totoong hindi ito magiging posible kung wala ang pagmamahal nila sa kanilang pamilya pati na rin ang pagkakaisa nilang mag-asawa.

error: Content is protected !!