Connect with us

Entertainment

Toni Gonzaga, Ipinasilip ang Kanyang Napakaganda At Mamahaling Dream All White Master Bathroom

Kung ang ibang kababaihan nga, ay hangad na magkaroon ng koleksyon ng mamahaling bags, mga sapatos at alahas, mas pinili naman ng aktres at TV host na si Toni Gonzaga na magkaroon ng isang napakaganda at mamahaling banyo sa loob ng kanilang tahanan.

Credits: Toni Gonzaga |Youtube

Sa latest vlog ni Toni, ay nagkaroon siya mini tour kung saan ipinasilip niya sa kanyang mga tagahanga ang newly renovated nilang master bathroom.

Ayon nga kay Toni, sa halip na mamahaling bag, sapatos o jewelry ang iregalo sa kanya ng kanyang asawang si Paul Soriano bilang anniversary gift, ay hiniling raw niya na ibigay na lang sa kanya ang kanyang dream master bathroom na may all-white design.

Credits: Toni Gonzaga |Youtube

“Paul asked me last year ano daw ang gift na gusto ko for our anniversary and I just said, ‘Don’t buy me shoes, bags or jewelry. Just give my dream all-white master’s banyo.”

Ipinakita ni Toni sa unang bahagi ng video ang dating hitsura ng kanilang banyo noong hindi pa ito narerenovate. At nang matapos na nga ito, ay ipinasilip agad niya sa kanyang mga tagahanga. Sa pagbubukas nga ng pinto ng banyo, ay agad na sasalubong pagpasok ang napakalinis tingnang kapaligiran dahil sa kulay puti nitong disenyo.

Credits: Toni Gonzaga |Youtube

Makikita na napakaganda at mukhang mamahalin ang bawat materyales na ginamit at kagamitang makikita rito. Ang bathtub nga ay may nakakalulang presyo na nagkakahalaga ng halos ilang daang libo. Dito nga kadalasang magbubble bath ang anak niyang si Seve. May “his and hers sinks and toilets” rin silang mag-asawa. Nakakahotel vibes naman ang lagayan ng kanilang mga towels kung saan ay nakalabas lahat. Ang salamin namang makikita sa loob ng banyo, ay isa ring kabinet kung saan nakalagay ang kagamitan ng bawat isa sa kanila. Ipinakita rin ni Toni ang pinakapaborito niyang area sa bathroom, ang reading nook.

Credits: Toni Gonzaga |Youtube

Hahangaan rin ang dream all-white banyo sa tahanan nina Toni, dahil ang mga ilaw rito ay voice commands pa.

Makikita naman na ang white walls at tiles sa bathroom ay mas pinaganda at binagayan ng dried plants and flowers, gold accents, at bubble pendant lights.

Credits: Toni Gonzaga |Youtube

Sa kabuaan nga, ay talagang nagustuhan at talagang natupad ang pangarap ni Toni na magkaroon ng isang banyo na may all white design na sadyang napakaganda at eleganteng tingnan.

“It’s beautiful, it’s sleek, it’s clean, and I just love it,”pahayag ni Toni.

Ipinasilip rin ni Toni ang kanyang walk-in closet na ang disenyo ay bagay na bagay rin all-white theme ng bathroom. Dito ay ipinakita niya ang shelf kung saan ay para sana sa kanyang mga bags, ngunit sa halip nga ay nilagyan niya ito ng mga libro. Pagbabahagi pa nga ni Toni, halos lahat ng libro sa shelf ay nabasa na niya.

“I love this place kasi this is where I do my quiet time in the morning. This is where I read, this is where I do my reflections.”

error: Content is protected !!