Connect with us

Entertainment

Toni Gonzaga, Inireklamo ang Kanyang Uncle Jojo Sa Tulfo in Action Dahil Mahilig Umanong Gumala, Idol Raffy Hindi Mapigilang Matawa

Ang programang Tulfo in Action ng sikat na broadcaster na si Raffy Tulfo ay nagsisilbing takbuhan ng bayan sa kanilang problema na dapat lutasin. Kahit sino ay maaaring idulog ang kanilang reklamo sa programa at ito nga ay ginagawan naman ng aksyon.

At nito lamang ika-5 ng Hunyo ay ikinagulat ng publiko ang isang episode ng Raffy Tulfo in Action na pinamagatang “Prank Gone Wrong” na mapapanood sa kanilang Youtube Channel, matapos idulog ng aktres at TV host na si Toni Gonzaga ang kanyang problema sa programa kung saan ay inireklamo niya ang kanyang Uncle Jojo.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Ngunit, ang nasabing reklamo ni Toni sa kanyang Uncle Jojo ay prank lang pala. Sa unang bahagi ng video ay tinawagan muna ni Toni ang asawa ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada para maging kasabwat at makunan ng video ang magiging reaksyon ng kanyang Uncle Jojo sa gagawin nilang prank.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Nang tinawagan ni Idol Raffy si Uncle Jojo, ay sumagot naman ito. Ngunit, laking gulat na lamang nito nang sabihin na si Raffy Tulfo ang kausap at nahaharap sa reklamo ng kapitbahay dahil umano sa pagiging gala nito.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Ipinaliwanag naman ni Idol Raffy ang sitwasyon kay Uncle Jojo, kung saan ay sinabi na dahil kasama nito sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty sa loob ng bahay, ay bawal umanong gumala dahil baka mahawa ang mga senior na kasama sa bahay. Agad namang itinanggi ni Uncle Jojo ang paratang hanggang sa ipinakausap na ang nagrereklamong kapitbahay na si Toni na ginawang mag-iba ng boses para hindi makilala.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Inisip naman ni Uncle Jojo na niloloko lamang siya ng ibang tao, at bigla na lang ngang pinatay ang telepono. Tinawagan ulit ni Idol Raffy si Uncle Jojo ngunit sa pagkakataong ito ay si Mommy Pinty ang sumagot na tila naguguluhan na rin at pinasa ang telepono sa asawa nitong si Daddy Bonoy.

Sa huli nga ay tinawagan na ni Toni si Uncle Jojo para sabihin na prank lamang ito. Tila hindi naman ito makapaniwala dahil talagang na-stress ito matapos maireklamo sa RTIA. Makikita rin sa kuhang video ni Mikee na base sa reaksyon ni Uncle Jojo ay talagang matinding stress ang nangyari sa kanya at napaiyak pa sa pag-aakalang totoo na inirereklamo siya ng kapitbahay. Ngunit nang malaman nga na prank lamang ito, ay napalitan ng tuwa ang nadarama niyang stress.

“Sa totoo lang naiyak ako sa sama ng loob. Hindi ko kinaya yung pag-pa-prank ninyo, but after naman nung prank, nung malaman ko pala, natuwa naman ako.”

error: Content is protected !!