Connect with us

Entertainment

Tiyang Amy Perez ng Nagpaalam para Bumukod ang kanyang Panganay na Anak, “Drum-drum din ang iniyak ko”

Naging emosyonal ang It’s Showtime host na si Amy Perez nang balikan niya ang panahong nagdesisyon ang kaniyang panganay na anak na si Adi na umalis sa kanilang tahanan upang bumukod. Ayon kay Amy, talagang ikinagulat niya ang desisyong ito ni Adi,

“Noong una talaga, nagulat ako. Kasi siyempre as a mother, gusto mo you can keep all your children na kasama mo sila. Parang ang layo-layo pa sa pag-iisip mo na darating ang araw na magso-solo sila.”

Inilahad rin ni Amy na noong una ay hindi pa niya ito naiisip,

“Oo, never ko ‘yun ini-imagine. Gustong-gusto ko ‘yung pag sinasabi ng mga anak ko, ‘Mama, I can’t live without you talaga.'”

Ngunit habang lumalaki ang kaniyang mga anak, at hanggang sa pagtungtong ng 24 taong gulang ng kaniyang panganay na anak na si Adi, napagtanto niyang hindi habang buhay ay maaari niyang makasama ang kaniyang mga anak,

“Because at one point, mare-realize mo na parang saranggola sila na kailangan mo silang i-let go at makita mo lang na lumilipad sila. Bilang magulang, masaya ka na.”

Ibinahagi rin ni Amy ang magkahalong kalungkutan at excitement na kaniyang pinagdaanan noon. Umaasa rin umano ang host na madadala ng kaniyang mga anak ang itinuro niya rito,

“Drum-drum din ang iniyak ko kay Adi. Kasi no’ng nagpaalam siya sa akin ng ganiyan. Sad kasi mami-miss mo ‘yung ginagawa n’yo before, di ba? Excited ka as a mom kasi gusto mong makita ‘yung itinanim ko ba sa puso at isipan ng mga anak ko. Madadala ba n’ya kahit saan s’ya pumunta at mapa-proud ba akong masabi sa sarili ko na ginalingan ko ba bilang nanay kasi natandaan n’ya lahat ng itinuro ko sa kaniya, itinanim ko sa kaniya?”

Sa ngayon ay masaya naman si Amy sa tuwing nabibisita nila ang kanilang anak. Ibinahagi rin nito ang mga nakakatuwang pangyayari sa tuwing sila ay bibisita,

“Kunwari galit pero gusto ang ginagawa. ‘Ano ba naman ‘to, ‘nak, nag-solo ka, itong bahay mo, ang dumi-dumi!’ But the nanay or the tatay, kahit sinong magulang, lilinisin ‘yun paunti-unti, nire-renovate. Kasi nami-miss namin ‘yung dating ginagawa sa mga anak namin.”

 

error: Content is protected !!