Connect with us

Entertainment

“Tinutulugan ko siya”: Heart Evangelista, Ibinahagi na Nagwa-walk Out sya sa Tuwing Nagtatalo Sila ng Kanyang Asawang si Chiz Escudero, Tinutulugan rin ang Asawa

Ang pagtatalo ay natural lamang sa buhay ng mag-asawa. Pero sa kabila nga pagtatalo, ay mas lalo namang napagtitibay at nagiging matatag ang relasyon ng mag-asawa.




Ngunit, paano nga ba dalhin ng mga sikat artista na tulad ng aktres na si Heart Evangelista kapag nagkakaroon ng pagtatalo sa pagitan nila ng kanyang asawa? Kamakailan nga, sa vlog ng celebrity beauty doctor na si Aivee Aguilar, ay ibinahagi ng fashion icon na si Heart ang kanyang ginagawa sa tuwing may pagtatalo sila ng kanyang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Photo credits: iamhearte | IG

Ayon nga kay Heart, ay iniiwasan niya ang kanyang asawang si Chiz sa tuwing nagkakaroon sila ng pagtatalo dahil sa galing nitong magsalita at makipag-debate. Kaya naman, sa halip na makipagtalo, ay nagwowalk out na lamang siya lalo na kapag mainit na ang diskusyon at pareho na silang galit.

“When we argue, si Chiz kasi magaling magsalita, he’s really good with debate. I choose my battles so I’m quiet and it pisses him more when I’m quiet.”

Photo credits: iamhearte | IG

Maliban rito, ay tinutulugan rin umano niya ang kanyang asawa upang matahimik na lamang.

“So I’m guilty also of going up and sleeping. Tinutulugan ko siya.”

Ibinunyag rin ni Heart na hindi siya mahilig mag-confront kay Chiz sa tuwing may hindi sila pagkakaunawan. Kaya naman, ang ginagawa niya ay idinadaan niya sa sulat ang nilalaman ng kanyang damdamin na nais iparating kay Chiz. At matapos niya ngang mag-walk out ay ito ang kanyang ginagawa, para mabawasan ang dinadala ng kanyang dibdib. Sa ganitong paraan nga, ay mas naiintindihan ni Chiz ang nais sabihin ni Heart.

Photo credits: iamhearte | IG

“I’m more of I’ll write you a letter first so if you write a letter, they can actually digest it more and better because they don’t see your face. He’s not irritated na galit ka.”

“So ‘yung tone, according sa tone sa utak niya so mas maiintindihan niya ang mga gusto kong i-explain.




Dagdag pa ni Heart, ay mahalaga rin na magpalipas muna ng galit sa tuwing mag-aaway bago mag-usap ng maayos.

“There’s no point kasi arguing and fighting. When you guys are angry at the very moment, let it pass.”.

Photo credits: iamhearte | IG

Pagbabahagi naman ni Heart, ay marami siyang pagsubok na pinagdaanan sa relasyon nila ni Chiz. At dahil sa labis niyang pagmamahal sa public servant, ay nagawa niyang lampasan ang anumang pagsubok na dumaan sa kanya.

“He also really loved me. He understood my immaturity or whenever I get mad and unreasonable. Naging maalaga rin siya with my feelings.”

Photo credits: iamhearte | IG

Kamakailan lamang nang masayang ipagdiwang ng mag-asawang Chiz at Heart ang kanilang 6th wedding anniversary.

“Six years and a lifetime more to go with us at each other’s side. I wouldn’t have it any other way.”

“Thankful for all the big and small moments we’ve had, and everything else in between! Happy Anniversary, mon amour.”

error: Content is protected !!