Connect with us

Entertainment

“Tinotoo mo ‘yung role mo ha?”: Kathryn Bernardo at Liza Soberano, Hindi Makapaniwala na Buntis na Ang Kanilang Kaibigang si Riva Quenery

Gulat na gulat ang mga kaibigan ng aktres at vlogger na si Riva Quenery, matapos ibalita ang kanyang pagbubuntis sa panganay na anak nila ng kanyang boyfriend na si Vern Flores Ong.

Credits: Riva Quenery | Instagram

Sa latest vlog ni Riva, ay ipinakita niya ang naging reaksyon ng kanyang mga kaibigan matapos malaman ang kanyang pagbubuntis. Ilan nga sa mga kaibigan ni Riva na nakunan ang mga nakakatuwang reaksyon ay ang kaibigan niyang sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano. Si Kathryn ay nakasama ni Riva sa “The House Arrest of Us”, habang si Liza naman ay nakasama niya sa “Make It With You”.

Ang aktres na si Kathryn Bernardo ay nagulat at hindi makapaniwala na magiging mommy na ang kanyang kaibigan. Inakala pa nga ni Kathryn na prinaprank lamang siya ni Riva. At nang makumbinsi nga na totoo talaga ang ibinalita ng kaibigan, ay nagbiro naman si Kath na tinotoo nito ang ginampanang karakter ni Abi na buntis rin sa digital series.

Credits: Riva Quenery | Youtube

“What?! This is a prank, guys. … Totoo? … Oh my God. … Tinotoo mo ‘yung role mo ha?”

Sa huli ay binati rin ni Kath si Riva sa blessing na dumating sa buhay nila ng kanyang boyfriend. May paghanga naman si Kath sa kaibigan, dahil naging maayos agad at natanggap agad ng mga magulang ni Riva ang sitwasyon nito.

“Yung pinaka-major diyan ‘yung sa parents. Tapos okay sa kanila, okay sa inyo. That’s nice, okay ‘yan. Congratulations.”

Credits: Riva Quenery | Youtube

Samantala, nang si Liza naman ang sinabihan ni Riva ng kanyang pagdadalantao, ay inisip agad ng aktres na prank lamang ito. Ngunit, sa huli nga ay narealized na ni Liza na totoo pala talaga ang sinasabi ng kaibigan. Makikita naman na masaya at excited na rin si Liza para sa kanyang kaibigan na soon to be mommy na.

“Oh my God, I’m so happy for you. Oh my God, are you serious? Wait lang hindi to prank ha? … I’m so happy, I am so excited for you.”

Credits: Riva Quenery | Youtube

Maliban kina Kathryn at Liza, ay ibinalita rin ni Riva ang magandang balita sa iba pa niyang kaibigan sa showbiz tulad nina Awra Briguela, “The House Arrest of Us” co-stars Alora Sasam, Ruffa Gutierrez, at Arlene Muhlach.

Si Riva Quenery ay 22 taong gulang na aktres at vlogger na unang nakilala bilang mahusay na dancer sa It’s Showtime. Taong 2016 nang mapabilang siya sa Star Magic.

error: Content is protected !!