Tingnan dito ang Modernong Condominium ni Superstar Big Game James Yap 

Ipinasulyap sa publiko ng PBA Star Player na si James Carlos Agravante Yap Sr. na mas kilala natin bilang “Big Games James” sa publiko ang kanyang magandang condominium sa Bonifacio Global City.



Ayon sa isang source, pinaunlakan ng two-time MVP ang isang sikat na magazine, na masilip ang kanyang “bachelor pad”, ang nasabing pagmamay-ari ng manlalaro ay lubhang napakaganda na maitutulad ito sa mamahaling hotel.

James Yap | Instagram

Ayon sa ulat taglay nito ang nakakabighaning “lighting fixtures”, sa loob ay mga mga mamahaling furniture nagbibigay ng klasikong dating.

Dahil na rin sa tulong ng kaibigan niyang si Kim Policarpio, na isa ring magaling na interior designer. Mas naging higit na kabigha-bighani pa ang lugar dahil sa ginawang pagbabago na kanyang idinagdag, na nagbigay sa atleta ng lugar na meenjoy niya pagkatapos ng kanyang mga laro.

Makikita rin na ang lugar ay nagtataglay ng mga paboritong kulay ng dating UE Warrior player, na talagang sadyang nagbigay ng “modern contemporary”na mayroon din classic style. Samantala mga furniture na nauuso ang idinagdag na paniguradong magugustuhan ng sinuman makakakita, pinili din ni Kim na customized ang ibang gamit upang maging komportable ang tulad ni James maging ang kanyang teammates.

LIVING AREA

Isang malaking bulwagan ang sasalubong sa mga bisita, at ang bawat lugar ay may iba-ibang uri ng upuan. Sa living area din naroroon ang mga “leather seats” at malaking sopa kung saan maaring manatili ang mga bisita, samantala may mga “glass tables” na nagbibigay ng sopistikado at mahanging pakiramdam sa unit. Bukod pa dito makikita din ang makikinang na ilaw na nagbigay warmth at high-end na pakiramdam.

Samantala ang dining area ay nagpapakita ng isang rectangular glass table na sinamahan pa ng velvet high-back na mga upuan.

BREAKFAST BAR

Makikita naman dito tatlong upuan na gawa sa metal na nababalutan ng leather na talagang bumagay sa maluwang na kusina ni James kung saan makakasama niya ang mga bisita. Nakatulong din ang hindi pagkakaroon ng mga pader na nagbigay sa maluwang at mahanging pakiramdam.



KITCHEN

Ang lugar na ito ay bumagay sa katulad ni James na isang manlalaro dahil sa taglay na ganda at tibay, samantala inamin ng ROS Player na hindi siya marunong magluto pero nagagawa pa rin niyang kumain ng mga lutong bahay sa tulong ng kanyang maasahang kasambahay. Sa kabilang banda ang mga kitchen cabinet ay masasabing bumagay at umayon talaga sa unit dahil sa mga bahagi nitong salamin.

ENTERTAINMENT AREA

Matatagpuan sa lugar na ito ang pinagsamang elegante at pagiging komportable, isang plush sofa kung saan ka makakapagrelax at leather chair na makikita sa may bandang gilid. Nagtataglay ng “symmetrical”ang lugar na ito, salamat sa magkakatulad na cabinet, mayroon dalawang bilog na mesa na dahilan upang lumutang yung rectangular coffee table.

Napapaloob sa mirrored shelf ang isang TV, speakers at DVD Player na gamit ni James, sa ilalim nito ay may bukod pa na pwede ring gamiting lalagyan, sa magkabilang bahagi nito agaw pansin ang koleksiyong sapatos ni James, masasabing malaking tulong ang paggamit ng salamin ng designer na nagbigay ng maluwang at malaking impresiyon.

BATHROOM

Sa bathroom makikita ang pader na gawa sa capiz at mother-of-pearl na lalong nagpatingkad dito at nagbigay ng “Filipino Vibe” ito ay nakapagbigay ganda at mamahaling pakiramdam.

MASTER BEDROOM

Masasabing naeenjoy ni James ang kanyang oras na pamamahinga dahil sa agaw atensiyon at mala-hotel na tulugan. Isang mahabang “padded headboard” na makikita sa kisame at nagbibigay sa kwarto ng kakaibang estilo na pinakakamaganda sa lahat, at makikita din ang isang classic eames lounge chair na talagang nagdadagdag ganda sa bedroom.

Bukod pa sa cove lighting at modernong wire-chandelier na nakakabit sa kisame, dalawang lamp na mula sa “the Pietro Collection” ang nakalagay sa magkabilaang mesa na hindi lang nagiging ilawan bagkus isa ding magandang palamuti. Punong-puno ang tulugan ng mga mirror panels na nagsisilbing pintuan din ng closet, na gamit din ni James sa pag-aayos tuwing siya ay may lakad. Nakakatulong din na magmukhang malaki at makinang ang pribadong lugar.

MASTER BATHROOM

Ang lugar na ito sa bahay ni James ay totoong malaki at kumpleto sa kagamitan katulad na lamang ng Laufen sink at mga gamit sa toilet na bumabagay sa sahig na tiles at stainless steel trimming.

MASTER BATHROOM AND WALK-IN-CLOSET

Samantala ang paliguan naman ay mayroong see-through wall, na nagbibigay ng kalayaan habang may naliligo. Kalapit din nito ay ang walk-in-closet kung saan nakatago at nakalagay ang ilan sa sapatos at mga damit ni James.



Source: realliving