Connect with us

Entertainment

Tingnan: Baby Dahlia ni Anne Curtis, Parang Kailan Lang Isinilang, Ngayon 2 Months Old Na!

Published

on

Si Anne Curtis ay isang sikat na artista sa industriya ng showbiz. Isa rin siyang host sa noontime show sa ABS-CBN na “It’s Showtime”. Matagumpay at patuloy na namamayagpag ang karera ni Anne sa industriya ng showbiz bilang isang artista. Ngunit, hindi lamang ito ang biyayang kanyang natamo dahil maging ang kanyang buhay pag-ibig ay napakakulay rin.




Noong Disyembre 2016 nga, na-engaged si Anne sa kanyang longtime boyfriend na restaurateur at food blogger na si Erwan Huessaff, at noong 2017 ay tuluyan na ngang naganap ang kanilang pag-iisang dibdib.

Hindi naman nagtagal, nagbunga ang kanilang pagmamahalan at biniyayaan sila ng isang napakacute na babaeng sanggol na isinilang ni Anne noong March 2, 2020 at pinangalanan ng mag-asawa ng Dahlia Amelie. Na ayon naman sa ilang netizens, ang “Dahlia”, ay nakuha umano ni Anne sa karakter niya sa pelikulang Magic Kingdom noong 1997.

Parang kailan lang nang magsilang si Anne sa kanyang napakacute na baby, at ngayon nga, ay 2 months old na si Baby Dahlia. Ipinahayag nga ni Anne sa social media ay kanyang nakakaantig na mensahe para sa kanyang anak ngayong 2 buwan na ito.

“My Little Autumn Baby. Yesterday, was 2 months of getting to cuddle and kiss this sweet, sweet little girl,” pahayag ni Anne.

Photo credits: annecurtissmith | Instagram

Ayon pa sa It’s Showtime host, ginagawa niya raw ang lahat upang i-enjoy ang bawat sandali sa kasama si Baby Dahlia habang baby pa ito dahil tila raw napakabilis lumaki ng kanyang anak.




“It’s insane how she’s growing so fast. Cherishing her days of being this tiny. Love you so much our cheeky little possum, Dahlia Amélie,” saad ni Anne.

Photo credits: annecurtissmith | Instagram

Maliban sa nakakaantig na mensahe ni Anne para sa kanyang munting anghel, naghanda rin silang mag-asawa ng DIY photoshoot kung saan gumamit sila ng mga dahon at bulaklak at bumuo ng numerong 2, na nagsisilbing bilang ng buwan ni Baby Dahlia. Ang napakacute na photoshoot naman na ito ay tinawag ni Anne na “My Little Autumn Baby”.

Matatandaan naman na unang nasilayan ang napakacute na si Baby Dahlia ng mga netizens sa social media noong April 3,2020 nang sumapit ang kanyang unang buwang kaarawan.

error: Content is protected !!