Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Sweet Photos nina Maine Mendoza at Nobyo Nitong si Arjo Atayde Matapos Dumalo sa Kasal ng Kapatid ni Maine

Pinakilig ng magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde ang kanilang mga tagahanga sa kanilang mga sweet photos kamakailan. Ito nga ay matapos dumalo ang aktor na si Arjo sa kasal ng kapatid ni Maine. At dahil opisyal ang pagiging magkasintahan ng dalawa, ay imbitado ni Arjo sa kasal ng kapatid ni Maine. Ngunit, hindi lamang ito, dahil kabilang pa si Arjo sa groom entourage.




Nito lamang ika-21 ng Enero, araw ng Huwebes, ay bumuhos sa Instagram ang naggagandahan at sweet photos ng magkasintahang Maine at Arjo na kuha sa wedding ceremony ng kasal ng kapatid ni Maine na si Nicolas Dynn Mendoza. Si Nicolas ay isa sa apat na magkakapatid na Mendoza, at kamakailan nga, ay ikinasal ito sa kanyang girlfriend na si Krishna Prescilla.

Makikita na may kuha ng larawan ang buong pamilya ni Maine na napakagandang tingnan sa motif na red at gray. At siyempre, bilang nobyo ni Maine, ay kabilang na rin si Arjo sa kanilang family photo. Samantala, may kuha rin ng larawan ang bagong kasal kasama ang kanilang mga abay.

Nagbahagi rin si Maine sa kanyang Instagram ng mga larawan, kung saan makikita ang sweet photos nila ni Arjo, na talaga namang bagay sa isa’t isa. Suot ang red dress na binagayan naman ng kulay pulang bulaklak na nakalagay sa kanyang buhok, ay sadyang napakagandang pagmasdan ni Maine. Samantalang si Arjo naman, ay pormadong-pormado sa suot na gray suit na binayagan ng pulang kurbata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

Tila maihahalintulad naman ang awra ni Maine sa karakter ni Carla Abellana sa Mexican telenovela na Rosalinda. At dahil dito ay nagandahan ang aktres kay Maine, kung saan ay nag-iwan ng komento na tatlong heart emoji sa nasabing post ni Maine.

Matatandaan na noong taong Enero 2019, ay inamin ng dalawa na “exclusively dating” na sila. At pagsapit nga ng Disyembre 2019, ay ginulat nila ang publiko nang ianunsyo nina Maine at Arjo ang kanilang relasyon sa mismong araw ng pagdiriwang ng kanilang 1st anniversary bilang magkasintahan.




Sa isang panayam noong Pebrero 2020, ay inamin naman ni Arjo, na nakikita na niya ang kanyang sarili na kasama si Maine sa kanyang pagtanda habang buhay. Ayon nga rito, nasa tamang edad naman na sila, kaya naman ay handa na silang lumagay sa tahimik pero sa ngayon, ay nakatuon muna ang kanilang atensyon sa kanilang karera. Kung sakaling mangyayari man ito, ay nais naman ni Arjo na maging pribado ang seremonya ng kanilang kasal na dadaluhan lamang ng kanilang mga kaibigan at mga mahal sa buhay.

“Obviously, I’m of age already. Nothing to hide. Yes, we got to talk about it, so I said nga this is my love story, this is me, this is it for me, and you know we just have commitments and we still have things to do. And being here with each other throughout the years we just grow stronger. Eventually we’ll get there.”

error: Content is protected !!