Connect with us

Uncategorized

Tingnan ang Sweet na Bonding nila Ivana Alawi at Marco Gumabao kasama ang kanilang mga Kaibigan

Ang aktres na si Ivana Alawi ay madalas pag-usapan ng marami dahil sa kanyang angking kagandahan at kaseksihan.

Photo Credits to the Owner

Ngunit, sa kabila ng kanyang natatanging ganda, ay nananatiling single ang seksing aktres. At ang alam nga ng publiko ay single at walang love life ngayon si Ivana.

Ngunit, nito lamang ika-12 ng Oktubre ay nawindang ang mga tagahanga at tagasuporta ni Ivana matapos mag trending sa social media ang isang video kung saan makikitang sweet na sweet sila ng aktor na si Marco Gumabao. Ang nasabing viral video ay mula sa Instagram story ni Ann Murphy kung saan ay makikitang nagkakasiyahan sina Ivana at ang kanyang mga kaibigan.

Credits: Marco Gumabao | IG

Agaw-pansin naman sa video ang kasweetan nina Ivana at Marco na magkatabi ang inuupan. Makikita na tila magkaduet sa pagkanta sina Ivana at Marco habang bigay todong bumibirit sa kanta. Kapansin-pansin naman sa video na kahit marami silang magkakasama sa nasabing kasiyahan, ay talagang malapit ang dalawa sa isa’t isa kung saan nga ay nakitang nakahawak pa si Marco sa legs ni Ivana.

Photo Credits to the Owner

Puna nga ng mga netizens, ay may namumuong pagtitinginan ang dalawa. Ang makita nga na nakahawak si Marco sa legs ni Ivana, ay tila nga may mutual understanding ang dalawa dahil hindi naman magpapahawak ang isang babae sa legs kung walang anumang namamagitan.

Photo Credits to the Owner

Matapos nga lumabas ang viral video nina Marco at Ivana, ay nagsilabasan naman ang iba pang ebidensya sa YouTube na nagpapatunay ng tunay na estado ng relasyon nina Marco at Ivana sa isa’t isa.

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na naugnay sa isa’t isa sina Marco at Ivana. Sa katunayan nga nito, ay minsan na ring napabalita na nanliligaw ang aktor sa seksing aktres. Marami rin ang nakakapansin na madalas lumabas si Ivana kasama ang mga kaibigan ng aktor. Ngunit, sa kabila nito ay nananatiling tikom ang mga bibig nina Marco at Ivana.

Photo Credits to the Owner

Minsan na ring naispatan si Marco sa video greeting para kay Ivana upang magsilbing surpresa ng kanyang pamilya para sa kanyang 2nd anniversary. Hindi naman dito natatapos ang ebidensya dahil nakita rin sa isang video na magkasama sina Marco at Ivana sa selebrasyon ng birthday ng isa sa kanilang mga kaibigan.

Kumalat rin sa YouTube ang ilan pang video na kung saan ay nagpapakita na muli silang nagkasama. Trending rin sa Tiktok ang usapan ng netizens kung saan ay sinabi na matagal na raw talagang magkarelasyon sina Marco at Ivana.

Hindi naman maikakaila na mas nais ni Ivana na tahimik lang ang relasyon nila ni Marco. At kung meron man silang relasyon, ay tila nga iniingatan ni Ivana ang kanilang privacy. Ayon pa sa ibang ebidensya ay nagkasama na raw sina Marco at Ivana nang magbakasyon sa Baguio.

 

error: Content is protected !!