Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Pagdiriwang ng Ika-12 Taong Kaarawan ng Panganay na Anak Nina Cheska at Doug Kramer na si Kendra

Isa sa mga nagbibigay inspirasyon ngayon sa maraming magpapamilya ay ang pamilya ng Team Kramer, ito nga ay dahil sa talaga namang ang kuwento ng kanilang buhay mula noon hanggang ngayon ay kapupulutan ng inspirasyon.

Credit: Doug Kramer | Instagram

Ang kanilang mga social media content ay talaga namang nakamamangha, lalo na pagdating sa kanilang parenting style, ang kanilang mala-mansyon sa laking tahanan at ang pagbabahagi nila ng araw-araw na kanilang ginagawa at pinagkakaabalahan.

Ang pamilya Team Kramer ay binubuo nina Doug Kramer [haligi ng tahanan], Cheska Kramer [ilaw ng tahanan] at ang kanilang tatlong mga anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin.

Credit: Doug Kramer | Instagram

Samantala, napakabilis nga naman ng paglipas ng panahon, dahil ang panganay na anak ng mag-asawang Cheska at Doug na siya ngang naging unang bunga ng kanilang pagmamahalan na si Kendra Kramer ay tumuntong na nga sa edad nitong 12.

Noon nga lamang ika-25 ng Hunyo ay ipinagdiwang na ni Kendra ang kanyang ika-12 taong kaarawan. At sa espesyal na araw nga na ito sa nagdadalaga ng si Kendra, ay isang nakaka-touch na mensahe ng pagbati ang ipinaabot ng kanyang ama na si Doug para sa kanya.

Credit: Doug Kramer | Instagram

“To my Dearest Kendra. My kennykins! You’re growing up to be un incrediblelady like your mommy. Your beauty is secondary to your pure heart. A responsible and hard-working girl that loves to please her parents. A girl that loves to honor God by her actions. A girl that already has conviction at a young age,” ang naging saad ni Doug para sa kanyang anak na si Kendra.

Credit: Doug Kramer | Instagram

Bilang isang ama, ay labis ang kasiyahan ni Doug na makita ang kanyang panganay na anak na nagdadalaga na, at siyempre bilang mga magulang ay talaga namang sila ng kanyang asawang si Cheska ay pokus sa pagpapalaki ng mga anak nila upang magabayan at mapalaki nga nila ang mga ito ng maayos.

“God made you like this because He knows you can be a blessing and example to your siblings and to everyone watching you. I hope you more everyday my little sweetheart. Happy 12th birthday Kendra!”,dagdag pang sabi ni Doug.

Credit: Doug Kramer | Instagram

Makikita naman na sa edad na 12 ni Kendra ay lumilitaw na mas lalo pa itong magiging magandang dalaga katulad ng kanyang inang si Cheska Garcia.

Credit: Chesca Garcia Kramer | Instagram

Bumuhos naman ang maraming mga pagbati mula sa mga netizens at tagahanga ni Kendra sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan.

error: Content is protected !!