Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Napakagarbo at Bonggang 18th Birthday Celebration ng Anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty Duterte

Bonga at talaga namang napaka-engrande ng pagdiriwang ng ika-18 taong gulang na kaarawan ni Kitty Duterte. Si Kitty ay ang nag-iisang anak na babae ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceňa.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Ang ika-18 th taong gulang na kaarawan ni Kitty Duterte ay petsa ika-10 ng Abril, ngunit ang kanya ngang bonggang debut party ay ipinagdiwang noong araw ng Sabaso, ika-9 ng buwan ng Abril taong 2022 sa Dusit Thani Hotel sa Davao City.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Makikita naman sa mga larawan na kuha sa naging engrandeng debut na ito ng bunsong anak ng ating Pangulo, na talaga namang nag-stunning ang ganda ni Kitty, lalo na sa kanyang suot na napkagandang gown na hango sa iconic “Lava Gown” ni Catriona Gray noong siya ay koronahan bilang Miss Universe noong taong 2018 sa bansang Thailand. Ang napakaganda at eleganteng gown nga na ito ni Kitty sa kanyang debut, ay likha ng Filipino designer na si Mak Tumang.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Siyempre sa nasabing selebrasyon nga ay parehong present ang mga magulang ni Kitty, naroon ang kanyang ina at ang ama niyang si Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi rin nawala sa nasabing okasyon ang nakatatandang kapatid ni Kitty na si Sebastian “Baste” Duterte, na siya ngang Vice Mayor ngayon ng Davao City.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Para sa kaalaman ng lahat, si Baste ay half-brother ni Kitty, dahil ito ay anak ni Pangulong Duterte sa kanyang former wife na si Elizabeth Zimmerman. Ang iba pa ngang anak ng dating mag-asawa ay sina dating Davao Vice Mayor Paolo Duterte at ang isa sa mga tumatakbo ngayong Vice President sa ating bansa sa ilalim ng UNITY Team na si Sara Duterte.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Samantala, isa nga sa mga pinaka-highlights sa mga ganitong debut ay ang father and daughter dance, at makikita nga sa ilang mga larawan ang naging sweet dance ng mag-amang Pres. Duterte at Kitty, sa layaw nga ng musikang “I’ll Take Care Of You” ni Steven Curtis Chapman.

Matapos nga ang naging sayaw ng mag-ama, ay may naging alay namang awitin si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang bunsong anak na si Kitty na siya ngang nagdiriwang ng ika-18 taong gulang na kaarawan. Ang awitin nga na ito ay ang ‘Ikaw’ na musika ng singer na si Regine Velasquez.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Tulad ng inaasahan ng lahat, ay marami rin ngang mga politiko at bigating personalidad ang panauhin sa engrandeng debut party na ito ni Kitty Duterte. Isa nga sa mga namataan na politiko na naroroon ay si senatorial candidate Salvador ‘Sal’ Panelo na umawit pa nga ng “Sana’y Wala ng Wakas” na awitin ni Sharon Cuneta, dahil ito nga umano ang ni-request ng debutant.

Photo credits: Kitty Duterte| FB

Namataan rin sa birthday party na ito ni Kitty sina dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo at dating senator na si Manny Villar, ito nga ay ayon sa ulat na inilabas ng Manila Bulletin. Naroon din nga umano sa nasabing okasyon ang Ninong ni Kitty na si Pastor Apollo Quiboloy.

error: Content is protected !!