Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Napakagandang si Pia Wurtzbach sa Kanyang Travel OOTD Habang Nag-eenjoy sa Kanyang Bakasyon sa Saudi Arabia

Tila nga lahat ng magagandang katangian, ay taglay na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Bukod kasi sa taglay na kahanga-hangang kagandahan, ay taglay rin Pia ang isang napakagandang hubog ng katawan kung saan nga ay lutang na lutang ang kaseksihan. Bukod nga rito, bilang isang beauty queen ay talagang taglay ni Pia ang “beauty and brain”.

Wala namang duda na marami ang humahanga sa taglay na kagandahan ni Pia. At kamakailan lamang nga, matapos niyang mag-judge sa naganap na Miss Africa 2021, ay lumipad ang beauty queen patungong Saudi Arabia. At dito nga ay agaw atensyon ang kanyang OOTD habang masayang nagbabakasyon sa Saudi Arabia kasama ang kanyang boyfriend na si Jeremy Jaucey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)

Ang magkasintahan ay naimbitahan sa opening ng HABITAS AlUla, isang vacation spot sa gitna ng Arabian sandstone kung saan masisilayan ang ganda ng tanawin na hatid ng disyerto. At dahil nga, naroon rin sila para sa halloween weekend, ay hindi nia pinalampas ang pagkakataon na magsuot ng halloween costumes.

Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

Ngunit, ang higit na nakaagaw ng atensyon ng madla ay kung paanong dalhin ni Pia ang kultura ng Middle East sa kanyang OOTD. At makikita nga sa kanyang mga OOTD, na bagama’t konserbatibo ang kanyang pananamit ay hindi naman maikakaila n lutang na lutang parin ang kanyang taglay na kagandahan.

Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

Mapapansin nga na komportable si Pia sa kanyang suot na loose buttondown and jeans, na binagayan naman ng printed long-sleeve. Nakompleto naman ni Pia ang kanyang OOTD ng kanyang Louis Vuitton monogram pochette.

Sa larawan namang magkasama sila ni Jeremy, ay masisilayan na bagay na bagay kay Pia ang kanyang suot na earth-toned maxi dress na may disenyong cream-colored X. Lutang na lutang rin ang kagandahan ni Pia sa kanyang suot na forest green, two-layer dress na may disenyong gold.

Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

Sa suot namang yellow floral dress ay hindi naman maikakaila ang natatanging kagandahan ni Pia. Binagayan niya naman ito ng pearl earings habang ang kanyang buhok ay naka-pony tail.

Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

Hindi naman pinalampas ni Pia ang pagkakataon na mag-enjoy sa pamamahinga sa gilid ng pool, matapos ang masayang pamamasyal sa disyerto. Kitang-kita nga ang komportable si Pia sa kanyang suot na white bikini top at binagayan ng loose printed pants. Ang kanyang OOTD na talagang napaka-fresh ay binagayan pa ng gold hoops dangling.

Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

At kahit nga nasa hotel room na si Pia, ay talaga namang napakaganda parin niya habang nagtatrabaho at nakaharap sa kanyang laptop. Suot ang kanyang white polo at buttondown pants kung saan hinayaang makita ang kanyang tribal-printed bikini top, ay sadyang napakaganda ng beauty queen.

Talaga namang pinatunayan ni Pia, na anumang OOTD ang kanyang isuot ay bagay na bagay sa kanya at lulutang ang kanyang natatanging kagandahan.

error: Content is protected !!