Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang Napakagandang Heritage House Na Pagmamay-ari Ni “King of Philippine Movies” Fernando Poe Jr

Halos lahat na nga ng mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz, ay ipinasilip na ang kanilang mga nagagandahang bahay na bunga ng kanilang pagsisikap. Ang mga bahay nga na ito ay may iba’t ibang disenyo na talaga namang pinagtuunan ng pansin dahil sa taglay nitong ganda.

CREDITS: Google.com

Sa tuwing nasisilayan nga natin ang magaganda nilang bahay na may kahanga-hangang disenyo, ay naghahatid rin ito sa atin ng inspirasyon. Katulad na lamang nga ng tahanan ng tinaguriang “King of Philippine Movies” na si Fernando Poe Jr o kilala sa kanyang tunay na pangalan na Ronald Allan Kelley Poe.

CREDITS: Google.com

Tumatak na puso’t isipan ng publiko ang mga pelikulang pinagbidahan ni FPJ na kung saan nga ay bumida sa 300 na pelikula. Sa edad na 14, ay sumabak na siya sa pag-aartista kung saan nga pinatunayan ang kanyang husay bilang action star. Magmula nga taong 1955 hanggang 2003 ay talagang pinahanga niya ang madla. At masasabi nga na naging kasaysayan ang matagumpay niyang karera sa industriya ng showbiz.

CREDITS: Google.com

Sa tagal ng panahong pananatili sa mundo ng showbiz, ay isang patunay ng kanyang nakamit na tagumpay ang kanyang napakagandang heritage house. Ito nga ang bahay kung saan bumuo ng pamilya si Da King at kanyang maybahay na si Susan Roces na matatagpuan sa Quezon. At napakagandang bahay na ito, ay ipinamana naman ng mag-asawa sa kanilang anak na si Grace Poe. Sa heritage house na nga kasalukuyang naninirahan si Grace kasama ang kanyang pamilya.

Photo Credits to the owner

Ang may kahanga-hangang kagandahang bahay na ito ay may kombinasyon ng moderno at tradisyunal na disenyo. Ang 3-storey house na ito ay may kulay puting dingding na pinaganda ng tradisyunal na disenyo kung saan masisilayan ang kulturang Pinoy.

Photo Credits to the owner

Ang makikitang mga kagamitan sa loob ng kanilang tahanan ay pawang mga antigo at talaga namang may sentimental na halaga para sa kanilang pamilya.

Photo Credits to the owner

Ngayon nga na si Grace na ang nangangalaga sa tahanang ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang, ay tinitiyak naman niyang maging maganda at buhay na buhay ang loob ng tahanan. Makikita nga dito ang painting ng kanyang mga magulang. At dahil mahilig rin sa pagpipinta si Grace, ay makikita rin sa loob ng kanilang tahanan ang kanyang mga obra.

Photo Credits to the owner

Makikita nga na kahit si Grace na ang nagmamay-ari ng bahay, ay pinapanatili niyang buhay ang alaala ng kanyang yumaong ama, at mga masasayang alaala na pinagsaluhan ng kanilang pamilya.

Photo Credits to the owner

Inamin naman ni Grace na mas pinili niyang manirahan sa bahay na namana niya mula sa kanyang mga magulang para madama parin niya ang presenya ng mga ito.

Maliban kay Grace Poe, ay nagkaroon naman ng anak sa pagkabinata si FPJ, sina Ronian at Lovi Poe.

error: Content is protected !!