Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang Napakagandang Bvlgari Necklace Ni Marian Rivera Na Kapareho Ng Kay Lisa Manoban Ng Black Pink Na Nagkakahalaga ng P1.5 Million

Ang napakagandang aktres na taglay rin ang kahanga-hangang kaseksihan na si Marian Rivera ay isa nga sa pinakahinahangaang celebrity sa industriya ng showbiz. Maliban sa kanyang husay sa pag-arte para bansagang Kapuso Primetime Queen, ay marami rin ang nakasubaybay at humahanga sa kanyang taste of fashion na talaga namang elegante at sosyal ang dating.

At kamakailan lamang nga, ay agaw pansin ang napakagandang fan-shaped Bvlgari necklace sa isa niyang larawan sa Instagram, kung saan nga ay bahagi ng pasilip para sa nalalapit niyang pagbubukas ng kanyang sariling clothing line na Flora Vida Clothing Line.

Bukod nga sa talagang agaw pansin ang suot na napakagandang Bvlgari necklace ni Marian, ay may makalaglag pangang katotohanan rin sa nasabing alahas na ito na taglay pala ang nakakalulang halaga. Una nga, ang nasabing jewelry ay kaparehong-kapreho ng necklace na suot ng miyembro ng K-Pop group na Black Pink na si Lisa Manoban. Pangalawa, ang nasabing Bvlgari fan-shaped necklace ay nagkakahalaga ng $30,000 o mahigit PhP1.5 million.

Ang napakagandang necklace ay tinatawag na Divas’ Dream Divina necklace, kung saan ay isang 18-karat gold necklace na binubuo mg disenyong pink sapphires, round rubies, at pave diamonds. Ang taglay nitong mosaic theme ay hango naman sa Roman Caracalla Baths sa Eternal City, Rome.

Ang K-Pop superstar na si Lisa Manoban, ay kilala naman bilang mukha ng Italian luxury brand at sa promotional photos nga ay makikitang suot ni Lisa ang Divas’ Dream Divina necklace.

Samantala, ang aktres na si Marian Rivera ay kilalang isa sa may pinakamaraming koleksyon ng mga mamahaling gamit pagdating sa fashion kagaya ng bag, damit, sapatos at mga alahas. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung mapabilang sa kanyang koleksyon ang nasabing Bvlgari necklace. Makikita rin na kadalasang suot ni Marian ang mga mamahaling brand ng alahas tulad ng Van Cleef & Arpels.

Pagdating naman sa mga OOTD ni Marian, ay talagang hindi nga mawawala ang kanyang pagiging sosyal sa mga suot niyang mamahaling alahas. Hindi naman maikakaila na ang asawa ni Dingdong Dantes, at ina ng dalawa nilang anak na sina Zia at Ziggy ay sadyang napakaganda parin.

Ang celebirty mom, ay napakaganda at kayang-kayang dalhin ang kanyang mga OOTD. Walang ngang duda na ang Kapuso Primetime Queen ay isang dyosa ng kagandahan. May mga pagkakataon naman na simple lamang ang suot ni Marian, ngunit masisilayan parin sa kanya ang pagiging sosyal lalo na nga’t ang simpleng suot ay binabagayan niya ng mamahaling brand ng alahas.

Dahil nga sa taglay na kagandahan ni Marian, kung paano niyang dalhin ang kanyang sarili suot ang kanyang mga kahanga-hangang OOTD ay hindi na nakapagtataka kung marami sa kanyang tagahanga ang nabibigyan niya ng inspirasyon.

error: Content is protected !!