Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Napakagandang Aktres na si LJ Reyes sa Kanyang Suot na Casual OOTD na Nagkakahalaga ng Mahigit P100,000

Ngayong back to single na ang aktres na si LJ Reyes, ay mas nagkaroon siya ng mas maraming oras para mahalin ang kanyang sarili. Matatandaan na ilang linggo na ring nasa New York si LJ para magpahilom ng sakit na kanyang natamo mula sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-partner na si Paolo Contis.

Credits: Lj Reyes | IG

Tila nga enjoy na enjoy si LJ ngayon sa kanyang buhay habang nasa New York. At makikita nga na unti-unti na ring bumabangon si LJ mula sa kabiguan ng kanyang puso. Naunang ibinahagi ni LJ ang kanyang pagdalo sa New York Fashion week, kung saan nga ay nakita ng aktres ang kanyang mga idolo sa larangan ng fashion.

Sa nasabing event ay pinabilib ni LJ ang publiko sa kanyang natatanging kagandahan. Ilang araw naman ang lumipas ay nasundan naman ito ng kanyang pagbabalik-alindog program. Tila nga determinado si LJ sa kanyang goal na magpaganda ng husto at ibalik ang kanyang magandang hubog ng katawan.

Credits: Lj Reyes | IG

At nito lamang ika-21 ng Setyembre, ang 33 taong gulang na aktres ay muli na namang napukaw ang atensyon ng publiko at nabihag ng kanyang angking kagandahan matapos ibahagi ang kanyang bagong litrato sa Instagram.

Sa pagkakataong ito, ay talagang kakaiba at bagong LJ ang masisilayan. Habang nasa Manhattan sa New York, ay fresh na fresh si LJ sa kanyang bob cut hairstyle, at bagay na bagay rin sa kanya ang kanyang suot na casual neutral-toned outfit. Ang napakagandang casual OOTD na ito ni LJ, ay binubuo ng “relaxed trousers, lighttweight button-down shirt, at pinaresan pa niya ng Chanel Slingbacks, at Chloé Mini Drew shoulder bag.”

Credits: Lj Reyes | IG

Samantala, ang “buttery beige-on-pink” casual OOTD na ito ni LJ, ay talaga namang napakaganda sa mata at hindi naman maikakaila na nagawa niyang dalhin ng maayos. At masisilayan nga na lalong lumitaw ang taglay na kagandahan ni LJ habang suot ang nasabing outfit.

Ngunit, nasa magkano kaya ang presyo ng kanyang casual outfit? Ayon nga sa ulat, ang suot na bag at sapatos ay nagkakahalaga ng mahigit P100,000.

Credits: Lj Reyes | IG

Ang kanyang calfskin Chloé Mini Drew na may disenyong rich caramel shade ay nagkakahalaga ng humigit kumulang na $1481 o P74,176. Samantalang ang kanyang Chanel Slingbacks naman na talagang tumataas ang presyo kada taon, sa ngayon ay nagkakahalaga ng $925 o P46,329. At ang kabuuan nga itong halaga ay tumataginting na P120,505.

Marami naman ang humanga sa transformation ni LJ sa kanyang bagong style pagdating sa fashion, na kung saan nga ay makikita na mas lalo siyang gumanda, at napatunayan na blooming na blooming parin sa kabila ng pagsubok na kanyang pinagdadaanan.

error: Content is protected !!