Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Napakagandang 4-story House ng Pamilya ng Dating Aktres na si Patricia Javier at American Husband nitong si Rob Walcher sa Quezon City

Ang pamilya ng dating aktres na si Patricia Javier at American husband nitong si Rob Walcher, ay dating naninirahan sa United States sa San Diego, California, U.S.A. Ngunit noong 2014, ay sinubukan nilang manirahan sa Pilipinas kung saan, ay nagbakasakali sila na maging maayos ang buhay ng kanilang pamilya upang permanente na silang manirahan sa bansa.

Sa isang panayam sa Journal noong 2018, ay sinabi ng asawa ni Patricia na si Rob, isang chiropractor, na nagkasundo sila sa isang kondisyon na kapag hindi sila nagtagumpay na makapag-settle ng maayos sa Pilipinas, at walang nangyari sa kanila, ay babalik sila sa USA matapos ang 6 na buwan.

Credits: Patricia Javier | Instagram

“I agreed on condition that we’d return to the U.S. if nothing happened in six months,”pahayag ni Rob.

Noong 2016, naman ay sinubukan nilang magtayo ng wellness facility na tinawag nilang Doc Rob Chiropractic Wellness, kung saan ay kanilang naging pag-asa at pagsisimula nila ng bagong buhay sa bansa.

Ang napakagandang bahay ng mag-asawa na isang 4-story house na may 5 bedrooms sa Quezon City, ay hindi muna nila tinirhan. Nagpasya lamang sila na tumira rito nang magpasya na talaga silang permanenteng manirahan sa bansang Pilipinas.

At nang makita ng mag-asawa na maayos ang takbo ng kanilang negosyo, ay lumipat na nga sila napakaganda at napakalaking bahay at nagpasya na permanente ng manirahan sa Pilipinas. Ngayon nga ang kanilang business na Doc Rob Chiropractic Wellness ay mayroon ng tatlong branches. May dalawang branch sa Quezon City at isang branch naman sa Makati City. Nalalapit na rin ang pagbubukas ng pang-apat nilang branch sa Eastwood, Libis, Quezon City.

Credits: Pep

Laking pasasalamat naman ni Patricia dahil hindi na nila kailangang umalis ng bansa at masaya siyang malapit lamang sa kanilang tirahan ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Dahil dito, ay madali lamang ngang madadalaw ng dating aktres ang kanyang mga mahal sa buhay.

Sinimulan na rin ng mag-asawa ang kanilang chiropractic pillow business. Ngunit, hindi lamang nga negosyo ang pinagkakaabalahan ng mag-asawa dahil naglalaan rin sila ng oras sa kanilang dalawang anak na sina Ryan,13 taong gulang at Robert, 8 taong gulang.

Sa loob nga ng kanilang tahanan madalas magbonding ang kanilang pamilya. At ayon nga kay Patricia, ay mahalagang magkaroon ng oras sa pamilya.

Credits: Pep

“Iyan talaga ang priority dapat. We have dinner together, dapat. There was a time nga, we all sleep sa iisang bed,”pahayag nito sa Pep.

Ipinasilip rin ni Patricia ang kanilang napakagandang bahay. Pagbabahagi naman ng dating aktres, ay nagustuhan niya ang “homey” ambience ng bahay at kanilang friendly neighborhood kung saan nakakita ng bagong kaibigan ang kanyang mga anak.

Credits: Pep

Credits: Pep

Ang master’s bedroom at entertainment room ay parehong matatagpuan sa second floor. Mapapansin naman na ang kanilang walk-in closet ay gamit nilang dalawa pareho. Sa third floor naman matatagpuan ang silid ng kanilang mga anak.

Credits: Pep

Credits: Pep

Sa fourth floor naman makikita ang “man cave” ni Rob kung saan madalas siyang naglalagi upang ayusin ang kanyang koleskyon ng Lego at model cars kasama ang kanyang mga anak. Ilan nga sa kanyang mga koleksyon ay nagkakahalaga ng PHP15,000 to PHP25,000.

error: Content is protected !!