Connect with us

Lifestyle

Tingnan Ang Napakaganda at Cute Na Cute Na Twinnning Outfit Ng Aktres Na Si Phoemela Baranda At Ng Kanyang Baby Girl Na Si Baby Illya

Hindi nga natin maiwasan ang manggigil sa taglay na kacutan ng mga baby. Ang kanilang maamo at napakacute na mukha ay talaga namang nakakawala ng ating pagod at stress. Mas lalo naman tayong nanggigigil sa kanilang kacutan kapag sila’y nabibisihan ng kanilang magagandang OOTD.

Photo Credits: Phoemela Beranda| IG

Katulad na lamang nga ng anak ng aktres na si Phoemela Baranda na kinaaliwan ngayon ang taglay na kacutan dahil sa twinning OOTD nila ng kanyang mommy. Magmula nga ng isilang ni Phoemela ang kanyang anak noong March 2021 ay sinusulit na niya ang mga sandaling magsuot sila ng twinning outfits sa kanilang bawat lakad.

Photo Credits: Phoemela Beranda| IG

Kahit pa nga nasa bakasyon ay talaga namang ipinapamalas ng mag-ina ang kanilang taglay na kagandahan suot ang kanilang twinning outfit. Makikita nga sa social media ng aktres, na enjoy na enjoy siya sa kanyang motherhood dahil matapos ang 21 na taon, ay muli niyang naranasan na bihisan ang isang napakacute na baby.

Photo Credits: Phoemela Beranda| IG

Ating silipin ang napakaganda at cute na cute na twinning OOTD ng mag-inang Phoemela Baranda at Baby Illya.

Sa isang larawan ay makikitang napakagandang pagmasdan ng mag-ina suot ang kanilang matching OOTD na blue smocked mini dress. Ang kanilang twinning outfit na may disenyong cap sleeves at baby doll silhouette, ay ginawang “flowing-in-the-wind ready” ang mag-ina.

Photo Credits: Phoemela Beranda| IG

Nakakaaliw namang pagmasdan ng mag-ina sa kanilang pink twinning OOTD. Makikita na nakasuot ng ternong pink na blazer at short si Phoemela, habang si Baby Illya naman ay napakacute sa kanyang suot na salmon-hued dress. Habang suot naman ang kanilang twinning floral puff-sleeved mini dress, ay nagmistula namang dainty lady ang dating ng mag-ina.

Photo Credits: Phoemela Beranda| IG

At kahit nga nasa bakasyon, ay masisilayan parin ang taglay na kagandahan ng mag-ina suot ang kanilang twinning OOTD. Suot ang color pastel swimsuit ay lumutang ang taglay na kaseksihan ni Phoemela. Napakacute naman ni Baby Illya sa lemon-printed outfit habang nag-eenjoy sa gilid ng pool.

Photo Credits: Phoemela Beranda| IG

Ipinamalas rin ni Baby Illya ang kanyang kacutan sa kanilang concert ready outfit kasama ang kanyang Ate Kim, na panganay na anak ni Phoemela. Habang namamasyal naman sakay ng kanyang stroller, ay napakacute naman talagang pagmasdan ni Baby Illya sa kanyang dress. Si Phoemela naman ay nakasuot ng jeans na pinaresan ng seashell-like top mula sa local brand na Eustacia.

Photo Credits: Phoemela Beranda| IG

Hindi naman talaga maikakaila na enjoy na enjoy si Phoemela na bihisan ng magagandang OOTD ang kanyang bunsong anak na si Baby Illya. Nakakatuwa namang pagmasdan ang twinning outfit ng mag-ina, lalo na nga’t bagay na bagay naman talaga ito sa kanila.

error: Content is protected !!