Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Napaka-Elegante at Newly Renovated Condominium Unit ng Kapuso Actress na Si Heart Evangelista

Kaakibat na ng pangalan ng aktres na si Heart Evangelista ang mga salitang elegant, classy, engrande at fashionista, ito ay dahil sa kanyang nakakabilib at nakakamanghang lifestyle.

Kahit anong kasuotan kasi ay tila naman talagang bagay na bagay sa aktres, mapamamahalin man ito o hindi ay talaga namang kapag siya ang nagsuot ay mapappabilib ang sinoman. Batid rin natin na tunay na pinapangangarap ng marami sa atin ang buhay ng aktres, lalo na’t tila nga naman lahat ng maganda sa buhay ay nasa kanya na, magandang karera, masayang buhay pag-ibig at marangyang pamumuhay.

Photo credits: Heart Evangelista| IG

Maliban pa sa mga ito, hinahangaan din si Heart ng marami dahil sa sinisigurado niya talaga na ang lahat ng kanyang mga possessions at properties ay magiging repleksyon ng kanyang personalidad, katulad na nga lamang nito ay ang kanyang newly renovated condo unit sa Ortigas.

Photo credits: Love Marie Escudero | YT

Samantala, sa pinaka bagong vlog na ini-upload ni Heart sa kanyang YouTube channel kamakailan lamang ay masaya ngang ipinasilip ng aktres ang kanyang condo unit. Magmula nga sa entrance at bawat sulok ng condo ng aktres ay talaga namang bakas ang pagiging elegante nito.

Photo credits: Love Marie Escudero | YT

Kapansin-pansin naman na ang main na kulay na makikita sa kabuuan ng condo ng aktres at kulay puti, magmula nga sa ceilings hanggang sa mga walls nito. Labis naman ang kasiyahan ni Heart dahil sa kinalabasan ng renovation ng kanyang condo, ayon nga sa kanya ay talagang fit na fit umano ito sa inaasahan niyang magiging interior design nito.

Photo credits: Love Marie Escudero | YT

Ayon kay Heart, nais niya talaga na magkaroon ng unique na disenyo ang kanyang condo, at ang pagiging unique nga ng bagong renovate niyang condo ay makikita sa iba’t ibang mga kagamitan dito kagaya na lamang ng upuan, lamesa na gawa sa marble, shelves, mirror, mantelpiece, countertop at iba pa.

Photo credits: Love Marie Escudero | YT

Ibinahagi rin niya kung gaano niya nagustuhan ang napakagandang ceiling ng kanyang condo, ito ay dahil sa mas nag mukha ngang maliwanag, maaliwalas at malawak ang property niyang ito.
Ipinasilip din ni Heart sa vlog niyang ito ang sariling opisina niya sa condo niyang ito.

Photo credits: Love Marie Escudero | YT

Mapapansin naman na mas malaki ang space ng kanyang opisina kaysa sa bedroom niya, ito umano ay dahil sa inayon nga ito sa lifestyle niya na maraming interes at collaborations na given na nga sa nature ng kanyang trabaho bilang isang aktres, vlogger at fashion icon.

Photo credits: Love Marie Escudero | YT

Pagbabahagi naman ng interior designer ni Heart sa naging pag-renovate ng condo nito, ay mahalaga na para maging successful ang gagawin nilang pag-aayos sa isang lugar tulad nga ng condo na ito ni Heart ay mahalaga na alam ng client kung ano talaga ang gusto nito. Dagdag pa niya, kaya naging perpekto ang result ng renovation ng condo ni Heart ay dahil sa collaboration ng kanilang mga ideya.

error: Content is protected !!