Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Nakakatuwang Pagkikita ng Dating Magka-tandem na Komedyante na sina Mahal at Mura

Magmula nang mapanood ng publiko ang video ng vlogger na si Virgelyn cares 2.0 kung saan tampok ang kalagayan ng dating komedyante na si Mura na kilala rin bilang si Allan Padua sa kanyang tunay na pangalan.

Marami ang nahabag sa kalunos-lunos na kalagayan ni Mura na ngayon nga ay naghihirap na tanging pagbubukid at pagkokoprahan ang ikinabubuhay. Nangyari ang lahat ng ito magmula nang maaksidente si Mura, rason kung bakit nahinto siya sa pag-aartista, kung saan ay napinsala ang kanyang hita dahilan nga kung bakit siya nahihirapan sa paglalakad.

Dahil sa kumalat na video ni Mura, ay marami sa kanyang mga kaibigan sa showbiz ang talagang naantig sa sinapit ng dating komedyante. Marami naman sa mga netizens ang humiling na sana raw, ay magkita ang iniidolo nilang komedyante na si Mura at ang katandem nitong si Mahal na kilala rin sa kanyang tunay na pangalan na Neomi Tesorero.

Credits: Mygz Molino | Youtube Channel 

At nito lamang ika-14 ng Agosto, ay naisakatuparan na nga ang pinakainaabangang pagkikita ng dating magka-tandem na sina Mahal at Mura. Sa vlog na mapapanood sa Youtube channel ng kaibigan ni Mahal na si Mygz Molino, ay natunghayan ng madla ang nakakatuwang pagkikita at nakakaantig ring tagpo sa pagitan nina Mahal at Mura.

Sa ngayon ay nakatira si Mura sa Bicol, nasa bahagi ng nasabing lugar kung saan nga ay talagang malayo sa kabihasnan. Sa unang bahagi ng video, ay ipinasilip ni Mygz ang kanilang paglalakbay ni Mahal patungo sa tahanan ni Mura. Kahit nga napakalayo ng bahay ni Mura, ay hindi ito hadlang kina Mygz at Mahal, para puntahan at makitang muli ni Mahal si Mura.

Credits: Mygz Molino | Youtube Channel 

Sa unang pagkikita nila Mahal at Mura nang marating ang lugar, ay makikita sa dalawang magkaibigan ang kasiyahan. At sa una pa lang nilang pagkikita ay umiral na agad ang kanilang pagiging komedyante at napuno ng tawanan ang kanilang unang pagkikita.

Dahil nga malayo ang bahay ni Mura, ay hindi makakarating ang kanilang sasakyan kaya naman, nagpasya silang maglakad na lamang. Si Mura ang nakasakay ng motorsiklo dahil nga sa hirap siyang maglakad samantalang si Mahal naman ay inaalalayan ni Mygz at kinarga pa para mapabilis ang kanilang paglalakad.

Credits: Mygz Molino | Youtube Channel 

Nang marating naman ang bahagi ng lugar na maputik dahil sa pag-ulan, ay nagpasya na silang lahat na maglakad. Kahit nga maputik ay hindi ito alintana ni Mygz at nagawa pang alisin ang suot na tsinelas at nagpaa na lang sa paglalakad para di siya mahirapan sa pagbalanse habang karga si Mahal.

At matapos nga ang halos isang oras at kalahating paglalakad ay narating na rin nila ang bahay ni Mura. Mainit naman ang naging pagtanggap ng pamilya ni Mura kina Mahal at Mygz. Dalawang taong hindi nagkita sina Mahal at Mura kaya naman talagang masayang-masaya ang dalawa sa kanilang muling pagkikita.

Nang makapagpahinga nga, ay nagkwentuhan na ang dating magka-tandem kung saan ay talagang mababakas ay kasiyahan, at pagka-miss sa isa’t isa.

Credits: Mygz Molino | Youtube Channel 

Marami naman sa mga nakapanood ng vlog ang humanga kay Mygz sa ginawa nitong pag-aalaga at pag-alalay kay Mahal para lang makarating sa bahay ni Mura. Marami namang mga netizens ang talagang natuwa sa muling pagkikita ng kanilang iniidolong komedyante na sina Mahal at Mura.

error: Content is protected !!