Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang Nakakamanghang Glow Up Transformation Ng The Voice Kids Grand Winner Na Si Elha Nympha

Marami ang talagang nagulat at namangha sa malaking pagbabago sa batang singer na si Elha Nympha matapos masilayan ang kanyang glow up photos sa social media. At makikita nga na mula sa isang chubby, bibo at talentadong bata, ngayon nga ay napakaganda ni Elha at masisilayan rin ang maganda niyang katawan na kung saan ay nabawasan ang kanyang timbang.

At nangyari lahat ng ito habang nasa gitna ng pandemya kung saan nga ay mas maraming ng oras ang ginugol ni Elha sa pananatili sa loob ng kanilang tahanan. Tila nga maganda rin ang dulot ng pananatili ni Elha sa kanilang tahanan dahil napagtuunan niya ng pansin ang kanyang sarili para maalagaan ng maayos.

Ang Elha na una nating nasilayan sa telebisyon ay malayong-malayo na sa Elha na masisilayan natin ngayon. Bukod kasi sa pagbaba ng kanyang timbang, ay talaga namang dalagang-dalaga na ang young singer. Agaw-pansin ang ibinahaging larawan ni Elha sa social media kung saan masisilayan ang dalaga na nakasuot ng bikini. Ang nasabing larawan ay kuha nang magbakasyon sila sa Bolinao, Pangasinan.

Ayon nga kay Elha ay nagkaroon siya oras na mag-ehersisyo at naisip rin niyang mag-diet habang siya’y nasa loob ng kanilang tahanan. Noong una’y libangan lamang ni Elha ang pag-eehersisyo upang hindi mabagot, ngunit hindi nga niya akalain na maganda ang magiging epekto nito sa kanya. At sa nasabing larawan nga, ay kitang-kita nga ang magandang dulot ng kanyang pag-eehersisyo at pagda-diet. Hindi nga maikakaila na talagang naalagaan ng mabuti ni Elha ang kanyang katawan at maganda ang kondisyon ng kanyang pangangatawan. Dahil nga dito, ay mas nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili si Elha na ipakita sa publiko ang pagbabago sa kanyang katawan.

Isa ngang inspirasyon ang hatid ni Elha sa mga tulad niyang nais ring pumayat at gumanda. At naging daan nga ang pandemya para kay Elha para makamit niya ang pagbabagong kanyang inaasam para sa kanyang sarili. Mahalaga nga na pangalaagan natin ang ating mga sarili lalo na ngayong laganap ang mga sakit.

Marami naman ang talagang humanga at namangha sa malaking pagbabago ni Elha. Karamihan rin sa kanyang mga tagahanga ay natuwa at sinuportahan siya sa kanyang glow up transformation.

Si Elha ay nakilala ng publiko matapos maitanghal na grand winner ng second season ng The Voice Kids noong 2015. Bagama’t nabigo si Elha sa una niyang subok sa first season ng The Voice Kids, ay nasungkit naman niya ang titulo sa pangalawa niyang subok.

Magmula nga noon ay talagang pinatunayan ni Elha ang kanyang talento sa pag-awit, dahilan nga ng matagumpay niyang karera ngayon.

error: Content is protected !!