Connect with us

Entertainment

Tingnan ang mga Napakacute na Larawan ni Baby Amari, ang Unico Hijo ng Celebrity Couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford

Tunay na kahanga-hanga ang mga celebrity moms and dads ngayon. Bagamat sila ay abala sa kaliwa’t kanang proyekto at shows, hindi pa rin nila nakakalimutang bigyan ng pansin ang pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Dagdag pa rito, makikita rin natin ang iba’t ibang litrato ng mga batang ito dahil hindi maitatanggi na talagang natural para sa mga magulang ang maging proud sa kanilang mga anak.

Photo Credits: Coleen Garcia | IG 

Bilang paraan ng kanilang pagpapakita kung gaano sila ka-proud sa mga ito, kadalasan ay ibinabahagi ng mga magulang ang napakacute at masasayang larawan ng kanilang mga anak. Kung minsan naman ay ibinabahagi rin ng mga magulang na ito ang kanilang proud moments para sa munting tagumpay ng kanilang mga anak.

Photo Credits: Coleen Garcia | IG 

Gaya ng napakaraming mga magulang, tutok rin si Coleen Garcia sa pagpapalaki sa kaniyang panganay na anak. Nakikita rin natin na talagang lumalaki na nga bilang isang napakacute na bata ang unico hijo nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Baby Amari.

Wala ring duda na talagang ipinagmamalaki ng dalawa ang kanilang anak. Mapapansin nga na punong-puno ng mga larawan ni Baby Amari ang Instagram account ng dalawa.

Photo Credits: Coleen Garcia | IG 

Sa pinakabagong post ng aktres na si Coleen, ibinahagi niya ang ilang litrato ni Baby Amari. Makikita rin sa mga litratong ito ang ibang kaganapan sa kaniyang buhay. Sa isang larawan, ipinakita ang husay ng bata sa pagkain. Ayon nga kay Coleen, “Mr. Man can feed himself tyvm.”

Photo Credits: Coleen Garcia | IG 

Bukod pa rito, makikita rin ang mga litrato ng bonding ng mag-ina kung saan makikita ang saya ni Baby Amari. Samantala, may ilang litrato din ng kanilang buong pamilya. Kitang-kita rin ang saya ni Baby Amari dahil sa iba’t ibang tanawin at lugar na kaniyang nakikita at napupuntahan gayundin ang iba’t ibang adventures na nagagawa ng kanilang pamilya sa kanilang mga bakasyon.

Photo Credits: Coleen Garcia | IG 

Hindi rin naman maiwasan ng mga netizens na humanga hindi lamang sa pagiging cute ni Baby Amari kundi pati na rin sa munting kaganapan sa kaniyang buhay. Ikinatutuwa rin ng ilan ang simple ngunit masayang bonding moments ni Coleen at Billy kasama ang kanilang anak. Talaga nga namang kahanga-hanga ang dedikasyon ng mag-asawa na maging hands-on sa kanilang pagpapalaki sa kanilang anak bagamat sila ay abala rin sa kani-kanilang trabaho.

error: Content is protected !!