Connect with us

Entertainment

Tingnan ang mga Nagmamahalan At Pinakamagagarang Sasakyan Na Pagmamay-ari Ng Mga Sikat Na Artista sa Showbiz

Pangarap ng marami ang magkaroon ng magarang sasakyan. Kaya naman, ang mga sikat na artista sa showbiz na kumikita ng milyon-milyon mula sa kanilang trabaho, ay hindi pinapalampas ang pagkakataon na mabili ang pinakamahal at pinakamagarang sasakyan.

Dodge Challenger SRT8 392

Ang magarang sasakyan na ito ay pagmamay-ari ng sikat na aktor na si Aljur Abrenica na nakilala nang mapabilang sa fourth season ng talent reality show na StarStruck noong 2007. Ang sasakyang ito ng aktor ay may lakas 370 hp at kayang tumakbo ng 293 km per hour. At ito nga ang kauna-unahang sasakyan na bunga ng kanyang pagsisikap sa showbiz na kanyang nabili noong 2013 sa halagang P4 million pesos.

Ford Mustang Shelby GT500

Ang sasakyang ito ay pagmamay-ari ng singer at aktor na si Daniel Padilla. Si Daniel ay nagmula sa angkan ng mga artista at isa na ngayon sa pinakasikat na aktor sa industriya ng showbiz. At dahil nga sa kanyang sipag at tiyaga bilang singer at aktor, ay nakapagpundar siya ng isang well-maintained vintage muscle car na may lakas na 355 hp at bilis na aabot ng 210 km per hour. Ang 1967 vintage car na ito, ay nabili ni Daniel sa halagang P7 million pesos.

Mercedes-Benz SL550

Hindi naman maikakaila sa angking yaman ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na makabili ng isa sa pinakamahal na sasakyan. Ang magarang sasakyan na ito ni Sen. Manny ay two-door sports sedan na two seater at convertible na pwedeng buksan ang bubong. Ito naman ay may lakas na 449 hp at bilis na kayang tumakbo ng 250 kph.

Sa halagang P7.4 Million naman ito nabili ni Sen. Manny.

Chevrolet Suburban

Ang mamahalin at bulletproof na sasakyang ito ay pagmamay-ari ng journalist na si Raffy Tulfo. Ito ay full size SUV na may 8 standard seats at may lakas na 355 hp. Napakaelegante ng disenyo nito, at komportable ring sakyan.

Mayroon namang itong kabuuang halaga na P10.3 million, kasama na nga rito ang pagpapalagay ng bullet proof na may presyon mahigit P5 Million.

Tesla Model X

Ang napakagarang sasakyang ito ay pagmamay-ari ng komedyanteng si Jeff Tam. Bunga ng kanyang pagiging magician at pagiging komedyante ang sasakyang ito na isang electric SUV na 7 seater. Kapag ito’y fully charged ay nakakatakbo ito ng 550 kilometers.

Hindi naman biro ang kabuuang nagastos ni Jeff para makarating ng Pilipinas ang kanyang sasakyan kung saan ay gumastos siya ng P11 million.

Brabus Mercedes G63

Pagmamay-ari naman ito ng aktor at director na si Coco Martin. Isa si Coco sa pinakamayaman at pinakasikat na artista sa showbiz na nakilala noong 2001. Ito ay isang luxury SUV na 5 seater at may malaking cargo space. Napakaganda naman ng rugged look design nito, na talagang handa-handang ibyahe off road. May nakakalulang presyo naman ito na nagkakahalaga ng P12 Million.

Audi R8

Pagmamay-ari naman ito ng komedyante at TV host na si Willy Revillame.

Walang duda na kayang-kayang bumili ni Kuya Wil ng mamahaling sasakyan. Ang two-seater na sports car na ito ay four-wheel drive na may lakas na 525 hp at bilis na kayang umabot ng 320kph. Sa halagang P17.5 million naman ito nabili ni Kuya Wil.

Mclaren 720S

Ang aktor na si Enzo Pineda ang nagmamay-ari ng sasakyang ito. Ang sasakyang ito ni Enzo ay may lakas na 710 hp at bilis na aabot ng 340 kph. Ito naman ay gawa sa England at kayang umarangkada sa bilis na 100 kph sa loob lamang ng 2.9 seconds. Nabili ito ni Enzo sa halagang P27 million.

Mclaren 675LT

Pagmamay-ari naman ito ng aktor na si Alber Martinez. At dahil nga dekada 80 pa lamang ay pinasok na niya ang showbiz, malaki-laki na rin ang kanyang perang naipon. Sa taglay niyang kayamanan ay mayroong siyang 21 na sasakyan sa kanyang car collection.

Ang super car na ito ng aktor ay aabot ng 666 hp at bilis na kayang umabot ng 330 kph. Nabili niya naman ito sa halagang P32 million pesos.

Ferrari F12

Ito ay pagmamay-ari ng aktor na si Derek Ramsay. At tila nga mas lalong nadagdagan ang pogi points ng aktor dahil sa kanyang napakamahal na sports car. Ang sports car na ito ay gawa sa Italy kung saan nga ay nilagyan ng v-12 engine at may two-seats. Ito ay may lakas na 730 hp at bilis na kayang tumakbo ng 340 kph. Ang napakaganda at napakagarang sports car na ito ay nabili niya sa halagang P35 million pesos.

error: Content is protected !!