Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang Mga Magagara At Pinakamahal Na Sasakyan Na Naipundar Ng Mga Sikat Na YouTuber Na Ito

Napakasarap naman talagang mag-travel o mag-road trip kasama ang pamilya, at kaibigan kapag holiday season at weekends. At siyempre, mas masarap kapag may sariling sasakyan na gagamitin para makapunta sa magagandang lugar. Kaya naman, talagang todo kayod ang marami sa atin para matupad ang ating mga pangarap sa buhay, kagaya na lamang nga ng pagkakaroon ng sariling sasakyan.

Isa naman ngayon sa matunog na pangalan sa bansa ay ang mga YouTuber. Dahil sa kanilang mga nakakaaliw na videos sa kanilang YouTube Channel, ay dumarami ang kanilang subscribers at viewers. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung malaki ang kanilang kinikita dahilan nga para makapagpundar sila ng mga bagay na nais nila, gaya ng sasakyan. Ating silipin ang mga magagarang sasakyan na naipundar ng mga sikat na YouTuber na ito.

Mika Salamanca- Ford Ranger Raptor

Photo credits to the owner
Ang magarang Ford Ranger Raptor na ito na 5 seater pick up truck na gawa para sa off road, ay pagmamay-ari ng sikat na vlogger na si Mika Salamanca. Magsimulang pasukin ni Mika ang mundo ng vlogging noong May 2018, at ngayon nga ay mayroon na siyang 4.15 million subscribers sa kanyang YouTube Channel. Dahilan nga para kumita siya ng P650,000 kada buwan mula pa lamang ito sa YouTube ads. Ang kanyang Ford Ranger Raptor ay may napakaangas na disenyo na nagkakahalaga ng P2 million ngunit gumastos pa siya ng P1 million para mas mapaganda pa ito. Kaya sa kabuuan nga ay gumastos siya ng P3 million para makuha ang napakagarang sasakyan na ito.

Ranz Kyle-Ford Mustang Ecoboost

Photo credits to the owner
Ang Ford Mustang Ecoboost na pagmamay-ari ni Ranz Kyle ay isang 2-door sports car. Si Ranz Kyle ay dating miyembro ng Chicser at nagsimulang maging YouTuber noong 2011. Sa ngayon ay may 14.4 million na siyang subscribers sa kanyang YouTube Channel kung saan kumikita siya ng 2.3 million kada buwan. Ang kanyang Ford Mustang Ecoboost ay may lakas na aabot ng 330 hp at kayang tumakbo sa bilis na 250 kph. At ito naman ay kanyang nabili sa halagang P3 million.

Jamill-Jeep Wrangler

Photo credits to the owner
Ang magkasintahang Jayzam Manabat at Camill Trinidad o may kilala bilang Jamill ay nagmamay-ari ng isang napakagarang Jeep Wrangler. Ito ay isang 5 seater 4 by 4 SUV na may rugged look at talaga namang napakagandang pang off road. December 2017 nang magsimulang mag-vlog ang magkasintahan at ngayon nga ay may 12.5 million subscribers na sa kanilang Youtube channel. Kumikita naman sila ng P2.4 million kada buwan mula sa Youtube ads. Ang napakagandang Jeep Wrangler na pinapangarap ng marami ay nabili sa halagang P3.6 million.

Viy Cortez-Ford Mustang GT

Photo credits to the owner
Ang partner ni Cong na si Viy Cortez ay nakabili naman ng isang American muscle car na Ford Mustang GT. Si Viy ay nagsimulang pasukin ang pagiging Youtuber noong September 2017, at ngayon nga ay may 4.91 subscribers na sa kanyang Youtube channel kung saan kumikita siya ng P850,000 kada buwan. Ang Ford Mustang GT na may lakas na 480 hp at kayang tumakbo ng 290 kph ay nabili niya sa halagang P3.7 million.

Zeinab Harake-Toyota Alphard

Photo credits to the owner
Ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake ay nakabili naman ng isang luxury van na Toyota Alphard na nagkakahalaga ng P3.9 million pesos. Binili ni Zeinab ang nasabing sasakyan para maging komportable ang kanyang pamilya sa bawat biyahe. Zeinab ay nagsimula sa kanyang vlog noong July 2019, at ngayon nga ay may 11 million subscribers na siya sa kanyang Youtube channel at kumikita ng P2.1 million kada buwan.

Donnalyn Bartolome-Maserati Ghibli

Photo credits to the owner
Ang sikat na singer, aktres at isa na ring vlogger na si Donnalyn Bartolome ay isa nga sa pinakamatagumpay na personalidad sa bansa na nakabili ng mamahaling sasakyan. Taong 2011 nang magsimula si Donnalyn sa pagiging Youtuber na ngayon ay may 7.73 million subscribers na sa kanyang Youtube channel at kumikita ng P1.5 million kada buwan. Ang kanyang Maserati Ghibli na pwedeng pangtapat sa magagarang sports car ay nabili niya sa halagang P8 million gamit ang lyka gems.

Setsuna Ignacio-Corvette Stingray

Photo credits to the owner
Ang vlogger at streamer na si Setsuna Ignacio na mas kilala bilang Ako Si Doggie ay nakabili ng isang magara at napakagandang 2-door sports car na Corvette Stingray. Siya ay isang streamer ng larong Mobile Legends at nagsimulang maging isang vlogger noong March 2017 na ngayon ay may 6.36 million subscribers na at kumikita ng P3 million kada buwan. Ang kanyang magarang sports car ay nabili niya sa halagang P8.5 million.

Cong TV-Lincoln Navigator

Photo credits to the owner
Ang sikat na vlogger na si Lincoln Velasquez o mas kilala ng lahat bilang si Cong TV ang nakabili ng isa sa pinakabihirang makitang sasakyan sa Pilipinas na Lincoln Navigator. Noong December 2014 nang magsimula si Cong bilang isang vlogger na ngayon ay may 8.72 million subscribers na sa kanyang Youtube channel at kumikita ng aabot ng P2 million kada buwan. Ang kanyang 8 seater Lincoln Navigator na mula sa kompanya ng Ford ay nabili niya sa halagang P9.2 million.

error: Content is protected !!