Connect with us

Inspiring

Tingnan ang Masayang Pakikipag-bonding ng Celebrity Mom na Si Assunta de Rossie sa Kanyang Anak na Si Baby Fiore

Tuwing sumasapit ang buwan ng Mayo ay hindi lamang nga ang paggunita sa mahalagang araw ng manggagawa ang ating ginagawa, kundi sa buwan ding ito nating ipinagdiriwang ang araw ng pagbibigay pugay natin sa ating mga ilaw ng tahanan o ang atin ngang mga ina dahil sa kanilang kasipagan, kabutihan at kadakilaan.

Ang pagdiriwang nga ng “Mother’s Day” ay hindi na bago sa atin, dahil sa espesyal na araw na ito ay ipinagdiriwang ng bawat pamilya ang kadakilaan ng ilaw ng kanilang tahahan. Sa araw din na ito binibigyang pugay ng mga anak ang kanilang mga ina at ipinagpapasalamat rito ang kadakilalaan at pagmamahal na ibinubuhos nito para sa kanila.

Photo credits: Assunta De Rossi | IG

Sa nakaraang ngang selebrasyon ng Mother’s Day ay maraming mga ina at ilaw ng tahanan na naman ang natuwa dahil sa iba’t ibang mga sorpresa na kanilang natanggap mula sa kanilang mga mahal na asawa at anak.

Photo credits: Assunta De Rossi | IG

Samantala, sa buhay ng isang ilaw ng tahanan o ina ay isa ngang malaking biyaya ang pagkakaroon ng isang buo at masayang pamilya, kung saan ito nga ay labis nilang ipinagpapasalamat sa araw-araw ng kanilang buhay. Kaya naman para sa aktres na si Assunta de Rossi, ay tunay na biyaya ang pagkakaroon niya ng buong pamilya, lalo na nga ang pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na maging isang ganap na ina.

Photo credits: Assunta De Rossi | IG

Isa nga sa pinakamagandang pangyayari sa buhay ni Assunta ay ang pagdating ng kanyang anak na si Baby Fiore, kaya naman mula ng ito ay kanya ngang isilang ay talaga namang naging isa siyang hands-on mommy.

Photo credits: Assunta De Rossi | IG

Mapapansin nga sa social media account ng celebrity mom ang madalas niyang pagbabahagi ng mga larawan at bidyu nila ng kanyang anak kung saan ay makikita nga ang kasiyahan niya sa lahat ng mga achievement nito.

Photo credits: Assunta De Rossi | IG

Photo credits: Assunta De Rossi | IG

Makikita nga sa social media ni Assunta ang madalas na pagbabahagi niya ng mga bonding moments nila ng kanyang anak na si Baby Fiore, ilan nga rito ay ang naging pamamasyal nila sa beach, ang naging pag twinning outfit nila noong nakaraang araw ng mga puso at ang pinaka-latest nga sa lahat ay ang naging masayang Joyride nila sa People’s Park sa San Carlos City, Negros Occidental.

Photo credits: Assunta De Rossi | IG

Tunay namang hindi masusukat ng kahit ano pa mang kayamanan ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak, at para nga kay Assunta doble ang kasiyahan na kanyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ang ngiti ng anak niyang si Baby Fiore.

error: Content is protected !!