Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Masaya at Matibay na Samahan ng Magkaibigang Aktres na sina Sofia Andres at Kathryn Bernardo, Sofia Pinagkatiwalaan si Kath sa Kanyang mga Sikreto

Sa mapaglarong mundo ng showbiz ay hindi madali ang makatagpo ng isang tunay at tapat na kaibigan. Kaya naman, ang Kapamilya stars na sina Sofia Andres at Kathryn Bernardo, ay sadyang napakapalad matapos nilang matagpuan ang tunay na pagkakaibigan sa katauhan ng isa’t isa.

At sa isang vlog nga ng aktres na si Kathryn Bernardo sa TGIS, ay masayang binalikan ng dalawa ang kanilang pagkakaibigan na ngayon ay halos dekada nang magkaibigan.

Matatandaan na unang nagkasama sina Sofia at Kathryn sa teen drama noong 2012 na “Princess and I”. Ang kanilang pagkakaibigan na nagsimula bilang magkatrabaho, ay mas lalong lumalim ay naging malapit na magkaibigan. At ngayon nga, ay magkumare na rin sila dahil si Kath ay tumatayong Ninang ng anak ni Sofia na si Zoe.

Photo credits: google.com

Ibinahagi nga ni Sofia, nang tanungin kung bakit isa si Kath sa mga taong napili niyang pagkatiwalaan ng kanyang sekretong pagbubuntis noon.

“You’re the most genuine I know. Have you heard someone I’m close with? Because it seems like nothing. In the long run, there are still people who will reach out to you even if you don’t talk anymore and it’s you.”

Photo credits: google.com

Ayon pa nga kay Sofia, maliban sa best friend niyang si Arisse De Santos ay isa nga si Kath sa mga unang nakaalam ng kanyang pagbubuntis sa panganay na anak nila ng kanyang nobyong si Daniel Miranda.

Photo credits: google.com

Binalikan naman ni Kath ang mga sandali kung paano sinabi sa kanya ni Sofia ang pagbubuntis nito. Ayon nga kay Kath, ay hindi siya halos makapaniwala noong una dahil nga si Sofia ay itinuturing nilang “baby girl”.

“I can’t believe it because Sof is like our baby girl. And then, during dinner, she said, ‘Ate, I’m pregnant.”

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

At dahil nga pinagkatiwalaan siya ni Sofia sa sikreto nito, ay hindi niya sinira ng tiwala nito at iningatan nga ang sikreto ng kanyang kaibigan para na rin sa ikakabuti ng sitwasyon.

“She was top secret before and‘ what Sof told me, I really kept it to myself. I didn’t tell her to others because I don’t want to lead you, especially with this… your pregnancy.”

Photo credits: google.com

Samantala, matapos naman ibahagi ang vlog ni Kath sa kanyang Youtube channel, ay sunod-sunod naman ang naging post ng magkaibigan sa kanilang naging getaway trip sa isang lugar. Makikita nga sa mga larawan na nagkaroon sila ng camping at masayang bonding kasama ang kanilang mga boyfriend, ang mga Daniel ng kanilang buhay. Ang reel and real life boyfriend ni Kath na si Daniel Padilla, at boyfriend naman ni Sofia na si Daniel Miranda.

Photo credits: google.com

Maliban naman masayang bonding nilang magkakaibigan, ay nagbigay saya at kinagiliwan rin ni Kath ang kanyang cute na cute na inaanak na si Baby Zoe, isang taong gulang. Sa Instagram ay makikita ngang ibinahagi ni Kath ang isang video, kung saan karga-karga niya si Baby Zoe na talaga namang kanyang pinanggigilan ang kacutan nito.

Sa mga naglabasang larawan sa social media, ay makikita naman na kasama rin nina Kath sa kanilang masayang trip ang aktor na si Joshua Garcia at aktres na si Ria Atayde.

error: Content is protected !!