Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Makulay na Nautical-Themed Birthday Party ni Baby Isaac, Ang Bunsong Anak ng Mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto

Wala pa ring kupas ang angking kagandahan ng aktres at celebrity mom na si Kristine Hermosa. Sa edad na 38-taong gulang at kahit na mayroon ng limang mga anak, ay tunay na kahanga-hanga pa rin ang ganda niya. Makikita ito sa mga bagong larawan sa social media, matapos na kumalat ang mga kuhang larawan ng ipagdiwang ng aktres at kanyang pamilya ang kaarawan ng bunsong anak nila ng mister niyang si Oyo Boy Sotto na si baby Isaac.

Photo credits: Kristine Hermosa | IG

Minarkahan ng mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto nito lamang nakaraan ang ika-1 taong gulang na kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Baby Isaac. Doble din ang selebrasyon na naganap, sapagkat kasabay ng kaarawan ni Isaac ay ang dedication din nito.

Photo credits: Kristine Hermosa | IG

Sa Instagram ng photography company na Nice Print ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng ilang mga larawan na kuha sa naging selebrasyon ng pamilya Sotto ng nasabing pagdiriwang.

Photo credits: Kristine Hermosa | IG

Masisilayan sa mga larawan na ang ika-1 taong gulang na kaarawan ni baby Isaac at dedication nito ay nagkaroon ng isang makulay na selebrasyon dahil sa Nautical theme nito.

Photo credits: Kristine Hermosa | IG

Tunay na makulay ang pagdiriwang na ito ng kaarawan ni baby Isaac, dahil sa ang buong venue ay napuno ng mga summer’s fun colors at mga beach elements. Makikita din sa ilang serye ng mga larawan ang masayang pamilya nina Kristine at Oyo pati na rin ang mga kaibigan at kapamilya nilang dumalo sa naturang paggdiriwang.

Photo credits: Kristine Hermosa | IG

Photo credits: Kristine Hermosa | IG

Photo credits: Kristine Hermosa | IG

Base sa caption ng Nice Print sa kanilang IG post ang event stylist na si Miss P ang nanguna sa pag-aayos para maging marine-inspired ang buong venue na ito kung saan ginanap ang selebrasyon ng ika-1 taong gulang na kaarawan ni baby Isaac.

Photo credits: Kristine Hermosa | Nice Print| IG

Maliban pa sa makulay at napakagandang dekorasyon sa birthday na ito ni baby Isaac, ay mayroon ding mga plethora para sa mga aktibidad sa mga batang dumalo sa nasabing pagdiriwang, kagaya na lamang ng inflatable playground at isang delectable array na naglalaman ng mga delicious treats para sa lahat.

Photo credits: Kristine Hermosa | Nice Print| IG

Photo credits: Kristine Hermosa | Nice Print| IG

Samantala, sa social media account ng dating Kapamilya actress na si Kristine Hermosa, ay nagbahagi naman siiya ng kanyang pasasalamat para sa lahat ng dumalo at nakisaya sa kanilang pamilya sa pagdiriwang ng napaka-espesyal na araw ng kanilang bunsong anak.

Photo credits: Kristine Hermosa | Nice Print| IG

“Praise God for all the people who made Isaac’s day extra special.. all your time and efforts are very much appreciated. To our family and friends —- you never fail to overwhelm us with your love. Maraming salamat! Mahal na mahal namin kayo.”

error: Content is protected !!