Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang Mag-iinang Ito Sa Showbiz Suot Ang Kanilang Magaganda At Cute Pagmasdang Twinning Outfits

Maraming mga celebrity moms sa industriya ng showbiz ang patuloy na ipinapamalas ang taglay na kagandahan kahit nga may anak na. Hindi nga hadlang ang pagkakaroon ng anak, para maging maganda at maging fashionable. Sa katunayan nga nito, ay kasama rin ng mga sikat na celebrity moms sa kanilang pag-awra ang kanilang mga cute na anak. At napakaganda naman talagang pagmasdan lalo na kapag naka-twinning outfits ang mag-ina.

Ating silipin ang mga mag-iinang ito sa showbiz na napakagandang pagmasdan suot ang kanilang twinning outfits.

Anne Curtis and Baby Dahlia

Photo Credits: Anne Curtis| IG

Likas na sa aktres na si Anne Curtis ang maging maganda suot ang kanyang magagarang kasuotan. Ngunit, mas lalong lumutang ang angking ganda ni Anne ngayong kasama na niyang umawra ang kanyang napakacute na anak na si Baby Dahlia. At makikita nga na madalas na naka-twinning outfit ang mag-ina katulad na lamang ng isang larawan kung saan makikitang enjoy na enjoy sila sa paliligo sa pool.

Sofia Andres and Baby Zoe

Photo Credits: Sofia Andres| IG

Hindi rin papahuli sa awrahan ang mag-inang Sofia Andres at Baby Zoe. Makikita nga sa social media ng aktres, na madalas rin silang magsuot ng twinning outfit. Sa isang IG post nga ng aktres, ay makikitang nakasuot ng parehong polka-dots OOTD ang mag-ina. Si Sofia ay nakasuot ng black and white one-shoulder top habang si Zoe naman ay napakacute sa suot na pink frilly dress, na binagayan pa ng flower hair clip.

Janella Salvador and Baby Jude

Photo Credits: Janella Salvador| IG

Bigay todo rin sa awrahan ang 23 taong gulang na aktres na si Janella Salvador kasama ang kanyang baby boy na si Baby Jude. Napakaganda nga ng aktres sa kanyang suot na white puff-sleeve baby doll dress na katerno ng white onesie ni Baby Jude.

Coleen Garcia and Baby Amari

Photo Credits: Coleen Garcia| IG

Hindi lamang nga si Billy Crawford ang madalas katwinning ng kanyang anak na si Baby Amari, dahil maging si Coleen Garcia ay hindi nagpapahuli sa maka-twinning nag anak. Sa isang larawan nga ay makikitang napakaganda at fresh nilang pagmasdan sa kanilang head-to-toe neutral get-ups.

Solenn Heusaff and Baby Thylane

Photo Credits: Solenn Heusaff | IG

Ang aktres na si Solenn Heussaff ay dati nang fashionable kung saan nga anuman ang isuot ay bagay sa kanyang seksing katawan. Ngunit, ngayon nga ay kasama na niya sa kanyang pag-awra ang kanyang anak na si Thylane. Nang magbakasyon nga sila sa Europe, ay ibinahagi ni Solenn ang larawan nilang mag-ina kung saan nakasuot ng olive green dress ang aktres habang si Thylane naman ay nakasuot ng earth-toned jacket and pants ‘fit.

Elisse Joson and Baby Felize

Photo Credits: Elisse Joson| IG

Kabilang rin sa mga celebrity moms na talagang napakaganda parin kahit may anak na ay ang aktres na si Elisse Joson. At sa pagdating ng kanyang anak na si Baby Felize, ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon na mag-enjoy sa kanyang motherhood journey sa pamamahitan pagsusuot nila ng twinning outfits.

error: Content is protected !!