Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Kahanga-hangang Transformation ng Young Singer na si Zephanie Dimaranan na Isa nang Ganap na Dalaga Ngayon

Sa murang edad ay talagang kinabiliban ng marami ang angking talento ng mahusay na mang-aawit na si Zephanie Dimaranan. Unang narinig ng madla ang napakagandang tinig ni Zeph at napanood sa telebisyon noong taong 2019, nang sumali sa unang season ng Idol Philippines. At dahil nga sa kanyang angking galing sa pag-awit na nagpabilib sa mga hurado, at mga manonood, ay siya ang itinanghal na champion.




Photo Credits: Zephanie Dimaranan | IG

Talaga nga namang kahanga-hanga ang talento ng tubong Biñan, Laguna na si Zeph pagdating sa biritan kung kaya’t lalo pa siyang sumikat kahit na napakabata pa niya noon. Napabilang nga si Zeph sa kilalang grupo ng young singer na J.E.Z na kinabibilangan nina Janine Berdin at Elha Nympha na mapapanood sa Kapamilya Sunday noontime show na ASAP.

Photo Credits: Zephanie Dimaranan | IG

Maliban rito, ay ipinamalas rin ni Zeph ang kanyang husay sa bilang isang mang-aawit sa Ultimate Vocal Showdown na mapapanood tuwing Linggo sa programang Sunday noontime Live. Ngayon nga, ay isa na siyang matagumpay na mang-aawit sa mundo ng entertainment. Ngunit bago pa man niya makamit ang pangarap na maging isang sikat na singer sa bansa, ay hindi naging madali ang kanyang mga pinagdaanang hirap.

Photo Credits: Zephanie Dimaranan | IG

Samantala, naging saksi na rin ang kanyang mga tagahanga hindi lamang sa pag-usad ng kanyang karera sa tagumpay, kundi maging ang kahanga-hangang pagbabago sa kanyang anyo. Kung noon nga, ay isang batang paslit na may kahanga-hangang tinig si Zeph, ngayon ay mas lalo pa siyang hahangaan dahil makikita na sadyang napakaganda na niya at isa nang ganap na dalaga.

Matatandaan na noong ika-14 ng Pebrero ay masayang ipinagdiwang ng dalaga ang kanyang ika-18th birthday. At nagkaroon pa siya ng birthday photoshoot kung saan ay masisilayan ang kanyang kagandahan na talagang hinangaan at ikinagulat ng kanyang mga tagahanga.

Photo Credits: Zephanie Dimaranan | IG

Matatandaan rin sa isang panayam sa programang Magandang Buhay, na hilig talaga ni Zeph noong bata pa siya ang pagsusuot ng headband. At sa bawat kompetisyon nga, ay hindi mawawala sa outfit niya ang suot na headband. Ibinunyag rin ni Zeph, na minsan siyang nagtiis-ganda matapos iipit sa tenga niya ang hikaw upang maging maganda sa harap ng camera noon.




Ngayon nga, ay talagang hindi na niya kailangang magsuot pa ng headband dahil natural na natural ang kanyang ganda. At ito nga ay mas pinaganda ng morena niyang kutis, na hindi naman maikakaila na bagay na bagay rin sa kanya. Dahil nga, isa na siyang ganap na dalaga, ay mahilig na rin sa fashion si Zeph kung saan ay talagang tipo ang mga nauusong kasuotan na angkop sa kanyang edad.

Photo Credits: Zephanie Dimaranan | IG

Photo Credits: Zephanie Dimaranan | IG

May make up man o wala, ay lumulutang ang natural na ganda ng Zeph. Kahanga-hanga rin na hindi lamang ganda ang taglay ni Zeph, sapagkat nabuo rin niya ang kanyang confidence sa sarili sa paglipas ng panahon. Samahan pa nga ito ng magandang tinig at kahanga-hangang performance sa stage, ay hindi maikakaila na isa nga siyang mahusay na mang-aawit at napakagandang dilag.

error: Content is protected !!