Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Kahanga-hangang Maternity Photoshoot ni Lara Quigaman para sa kanilang 3rd Baby ng Asawang si Marco Alcaraz

Published

on

Marami na nga sa mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz ang nagbahagi ng kanilang journey sa kanilang pagbubuntis. At ang isa nga sa kaabang-abang na bahagi nito ay ang maternity photo shoot na kung saan ay may mahalagang papel sa buhay ng isang ina.

Ang pagbubuntis nga ay minsan lang sa buhay ng isang ina kaya naman ang masayang yugto ng pagiging isang ina habang nasa sinapupunan palang ang sanggol ay nais kunan ng larawan upang magsilbing alaala.

Ang masayang yugto nga ng pagiging isang ina ay hindi pinalampas ng beauty queen-actress na si Lara Quigaman upang makunan ng larawan. Kaya naman, kahit nasa gitna ng nararanasang pandemya ang bansa ay wala ng nakapigil pa sa aktres na magsagawa ng maternity photoshoot.




At kamakailan nga, ay nagsagawa ng isang maternity photoshoot si Lara kasama ang kanyang asawang si Marco Alcaraz. Ang maternity photoshoot na ito ay espesyal para sa mag-asawa dahil ito ang una at huling maternity photoshoot na gagawin ni Lara.

Ang masayang pagsasama ng mag-asawa ay biniyayaan na ng dalawang anak, sina Tobias at Noah. At ngayon nga, ay muli na naman silang biniyayaan ng isa pang baby boy. Dahil nga, nakatatlong lalaki na ay nagpasya ang mag-asawa na ito na ang huling pagbubuntis ni Lara. Kaya naman, sa huling pagkakataon, sa yugto ng pagiging isang ina habang nasa sinapupuan ang sanggol ay nais ni Lara na maging memorable ito.

Photo credits: The alcaraz family | Youtube 

Ang kahanga-hanga nga nilang photoshoot ay ginawa sa Concept Room Studio kung saan makikita ang magagandang background. Samantala, ang mga larawan naman ay binigyang kulay ng mahusay na photographer ng Nice Print Photography. Dahil nga sa pandemya, ay nagkaroon ng matinding pag-iingat sina Lara kung saan ay sumunod sila sa ipinapatupad na protocols ng studio. Kung saan naka-face mask ang make up artist at hair stylist, maging ang photographer ay nakasuot rin ng PPE.

Photo credits: The alcaraz family | Youtube

Makikita nga sa larawang ibinahagi ni Lara sa Instagram noong July 24, na talagang lumutang ang angking kagandahan ni Lara sa suot na gold long dress kung saan makikitang nakalitaw ang kanyang baby bump.

Nilakipan niya naman ito ng caption na:

“Maternity dream shoot”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lara Quigaman Alcaraz (@laraquigaman) on

Nakasama rin sa photoshoot ang asawa niyang si Marco kung saan makikita ang pagiging sweet nito sa asawa. Sa larawan nga nilang dalawa ay mababakas ang saya at pagmamahal nila sa isa’t isa.




Samantala, mapapanood naman sa kanilang Youtube Channel na “The Alcaraz”, ang mga behind the scene sa naturang maternity photoshoot.

Ilang linggo na lang nga ng hinihintay ng mag-asawa ay masisilayan na nila ang kanilang baby boy, dahil ngayon nga ay nasa 30 weeks na ng pagbubuntis si Lara.

error: Content is protected !!