Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Kahanga-hanga sa Gandang Rolex Rainbow Daytona Watch ni Jinkee Pacquiao na Nagkakahalaga ng P16.3 Million

Ang pamilya Pacquiao ang isa sa biniyayaan ng hindi biro sa laking kayamanan sa industriya ng showbiz. At ang tinatamasang kayaman ng pamilya ni Sen. Manny Pacquiao ay bunga ng kanyang hirap, sakripisyo at pagsusumikap. Literal nga na dugo’t pawis ni Sen. Manny ang kanyang naging puhunan para manalo sa bawat laban sa loob ng ring.

Credits : Jinkee Pacquiao | IG 

At ngayon ay makikita naman talaga ang marangya nilang pamumuhay kung saan nga ay napakaraming naipundar na properties magmula sa bahay, resort, sasakyan at may iba’t iba ring pagmamay-aring negosyo. Pagdating naman sa kanilang lifestyle, ay hahangaan naman talaga ang kanilang mga mamahaling kagamitan.

Credits : Jinkee Pacquiao | IG 

Katulad na lamang nga ng maybahay ni Sen. Manny na si Jinkee Pacquiao na hahangaan ang dami ng kanyang mga mamahaling kagamitan magmula sa damit, bag, sapatos at maging sa alahas. Madalas makita sa mga post ni Jinkee sa kanyang Instagram na talagang magaganda at mamahalin ang kanyang ginagamit. At bilang isang fashion icon, ay hilig na ni Jinkee ang gumamit at magsuot ng mga luxury brands.

Matatandaan nga na minsan nang naispatan sa isang IG post ni Jinkee ang kanyang sukot na relos na sadyang napakaganda, at taglay rin ang nakakalulang halaga, ito ay isang Rolex Rainbow Daytona. Sa Instagram story ni Jinkee, ay makikitang ibinahagi niya ang larawang kuha sa loob ng mansiyon sa GenSan at agad na nakaagaw ng pansin ang suot niyang relos.

Credits : Jinkee Pacquiao | IG 

Ang misis ni Sen. Manny na si Jinkee ay kabilang sa listahan ng mga celebrities at Hollywood A-listers na naispatang nakasuot ng makulay na relos na ito, nq animo’y gaya ng rainbow sa ganda katulad na lamang nina Post Malone, John Mayer, Adam Levine, Miley Cyrus, Mark Wahlberg, at Kevin Hart. Ang napakagandang disenyo ng Rolex Rainbow Daytona na ito ay ini-launched ng Swiss luxury watchmaker na Rolex noong 2018 sa Baselworld sa Switzerland.

Kilala rin ang relos na ito sa tawag na “Rolex Daytona 116595 RBOW,” kung saan nga ay pinaganda at binuo ang disenyo nito ng “36 baguette-cut sapphires around the bezel, 11 more as hour markers, and 56 brilliant-cut diamonds to cover its lugs”. Ang gemstone naman Rolex na ito ay talaga namang nakakaagaw pansin dahil yari ito sa patented rose gold alloy, Everose.

Credits : Jinkee Pacquiao | IG 

Ngunit, magkano kaya ang halaga ng napakaganda at mamahaling Rolex Rainbow Daytona na ito? Ayon sa website ng Business Insider, ang nasabing luxury watch ay maaaring mabili sa halagang $96,900 o katumbas ng PHP4.8 million matapos mai-launched noong 2018. Ayon sa (Philippine Entertainment Portal) ang Rolex Rainbow Daytona na pagmamay-ari ni Jinkee ay nabili niya sa halagang PHP2.7 million.

Credits : Jinkee Pacquiao | IG 

Ngunit, sa pagdaan ng panahon, ay mas lalo namang nagmahal ang presyo nito na kung saan nga, ay lalos apat na beses na sa orihinal na presyo nito noong inilabas ito sa market noong 2018. At sa isang website na Chrono24, isang global online market para sa mga luxury watches, ang kasalukuyang presyo ng Rolex Rainbow Daytona, ay naglalaro na sa halagang $329,519 o katumbas ng PHP16.3 million.

error: Content is protected !!