Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang Ilan Sa Mamahaling Kagamitan Ng Aktres At Singer Na Si Sarah Geronimo Guidicelli

Ang sikat na singer at aktres na si Sarah Geronimo ay isa nga sa pinakakilalang personalidad sa industriya ng showbiz. Unang nakilala si Sarah ng publiko matapos niyang magwagi sa singing contest sa telebisyon na Star for a Night n9ong 2002.

CREDITS: Google.com

Sa nasabing kompetisyon nga ay pinabilib ni Sarah ang mga hurado at manonood sa kanyang husay, at ganda ng kanyang tinig. Ito nga ang naging daan ni Sarah para makakuha ng recording contract sa Viva Records at nairelease rin ang kanyang debut album Popstar: A Dream Come True noong 2003.

CREDITS: Google.com

Talaga namang dream come true para kay Sarah, ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon. Inuulan nga ng biyaya ang karera at buhay ni Sarah. Maliban kasi sa iba’t ibang endorements, mga TV projects, mga albums at digital singles, ay may mga large-scale concert rin siya. Hindi lamang nga karera ni Sarah ang umaarangkada kundi pati na rin ang kanyang mga negosyo.

CREDITS: Google.com

Hindi na nga nakapagtataka na sa magandang takbo ng karera at negosyo ni Sarah, ay talaga malaki ang kanyang kinikita. Maituturing nga na isa rin siya sa mga artistang may malaking halaga ng networth. Bagama’t, masisilayan naman ang pagiging simple ni Sarah, ay hindi naman nakaligtas sa mata ng publiko na mahilig rin ang aktres sa mga mamahaling kagamitan.

CREDITS: Google.com

Ang mga tagahanga nga ng Popstar Royalty, ay mabilis ang mga mata sa kung alin sa mga gamit ng kanilang idolo ang mamahalin ang brand magmula nga sa sapatos, bags, at damit. At sa ulat ng Philnews, ay ibinunyag sa publiko ang listahan ng ilan sa mga mamahaling kagamitan na pagmamay-ari ng Popstar Royalty.

CREDITS: Google.com

Minsan nang nasilayan ng publiko ang suot ni Sarah na relo na Chanel Caviar Quilted Double Flap pink na nagkakahala ng P283,034. Napakaganda namang pagmasdan ng singer-actress sa kanyang suot na dress na Louis Vuitton Tambour Lovely Cup Chronograph 39.5 na may halagang P230,680.

CREDITS: Google.com

May ilan ring mamahaling bag si Sarah kagaya na lamang nga ng Prada Monochrome Saffiano leather bag na may presyong P97,250. Meron rin siyang Louis Vuitton Blueberry Epi Cluny Bag na nagkakahalaga naman ng P152,837.

CREDITS: Google.com

Kasama rin sa kanyang mga mamahaling bag ang Louis Vuitton Speedy Bandoulire 30 na may halagang P142,582. May Gucci XL GG Floral Print Backpack na may presyo namang P125, 179. Napakaganda rin ng Louis Vuitton Neverfull Catogram na nagkakahalaga naman ng P152,730.

CREDITS: Google.com

Agaw pansin rin ang Cartier Love Bracelets: Pink cord love bracelet na may halagang P64,115 at isang Black cord love bracelet na nagkakahalaga naman ng P79,643.

error: Content is protected !!