Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang Halloween Customes Ng Mga Sikat Na Artista Sa Showbiz Ngayong 2021

Nitong nagdaang Halloween season ay talagang nagpatalbugan na naman ang sikat na mga artista sa showbiz sa kani-kanilang Halloween costumes. Kung ang ilan nga ay nagbihis ng paborito nilang karakter sa mga pelikula, may ilan rin namang naging superhero. Ating silipin ang magaganda at nakakatuwang Halloween costumes ng mga sikat na artista sa showbiz.

Kim Chiu as Snow White

Ang aktres na binansagang Chinita Princess sa industriya ng showbiz na si Kim Chiu ay pinili ang paborito niyang Disney character at nagbihis ala-Snow White ngayong Halloween season. Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ng aktres ang kanyang napakagandang larawan at nilakipan ito ng caption na:

“Somewhere in the middle of nowhere!!!!! Di ko rin alam san to eh!”

Isabelle Daza as Betelgeuse of Beetlejuice

Simpeng costume naman ang napili ni Isabelle Daza para ngayong taon. At ito ay maging Betelgeuse of Beetlejuice. Makikitang ibinahagi ng aktres sa Instagram ang kanyang larawan na kinunan sa living room ng kanilang tahanan.

“Ugh I’m basic this year”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabelle Daza (@isabelledaza)

Andrea Brillantes as Beth Harmon of The Queen’s Gambit

Tila handang-handa naman ang teen actress na si Andrea Brillantes para sa kanyang Halloween costume. Makikita na naka-tag sa kanyang post sa Instagram ang mga taong tumulong at nag-ayos sa kanya para maisakatuparan ang napili niyang costume. At ang napili nga ni Andrea ay karakter ni Beth Harmon sa pelikulang “The Queen’s Gambit”.

“It’s an entire world of just 64 squares.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Alex Gonzaga as Princess Sarah and Toni Gonzaga as Miss Minchin

Ang magkapatid na sina Alex Gonzaga at Toni Gonzaga ay kinagiliwan naman ng mga netizens sa kanilang Halloween costume. Si Alex ay nagbihis ng karakter ni Princess Sarah habang si Toni naman ay bilang si Miss Minchin.

“Si miss Minchin at si princess Sarah.. parang totoong buhay lang ah hindi costume.”

Maxene Magalona as Chun-Li of Street Fighter

Ang aktres na si Maxene Magalona naman ay pinili ang karakter ni Chun-Li ng Street Fighter para sa kanyang Halloween costume ngayong taon.

“Sweet Fighter Happy Halloween.”

Tim Yap as Player 001 of Squid Game

Kuhang-kuha naman ni Tim Yap ang karakter ni Player 001 sa sikat na Korean movie series ma Squid Game.

“Never too old for this game.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tim Yap (@officialtimyap)

Vhong Navarro as COVID-19 swab testing kit

Pinangatawanan naman ni Vhong Navarro ang kanyang pagiging Mr. Swabtest ngayon Halloween na kung saan nga ay talagang napapanahon.

“Hoyhoyhoy hoyhoyhoy! Ako si Mr. swabtest!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Janine Gutierrez as Kim Kardashian

Kahit na nasa New York City naman ang aktres na si Janine Gutierrez, ay naenjoy parin niya ang Halloween season kung saan nga ay ginaya niya si Kim Kardashian.

“Channeling ‘Kim K’ for this year’s NYC Halloween.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

Cassy Legaspi as Yoo Ji-woo of My Name

Ang Kapuso actress na si Cassy Legaspi naman ay karakter ni Yoo Ji-Woo ng Korean movie series na My Name ang ginaya para sa kanyang Halloween Costume

“I’m willing to be a monster.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CASSY LEGASPI (@cassy)

error: Content is protected !!