Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Engagement Photoshoot Ng Mag-Fiancee na Sina Derek Ramsay at Ellen Adarna Para Sa Kanilang Nalalapit na Pag-iisang Dibdib

Tunay nga na hindi basehan ang tagal ng pinagsamahan pagdating sa tunay na pag-iibigan. Patunay nga riyan ang mag-fiancee na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na ngayon nga ay pinaghahandaan na ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib.

Credits: Ellen Adarna | IG

Kung matatandaan ay nitong nakaraang buwan ng Marso taong kasalukuyan lamang inanunsiyo ng celebrity couple na sina Derek at Ellen ang kanilang engagement. At ito nga ay naganap isang buwan lamang ang nakakaraan matapos nilang isapubliko ang kanilang relasyon.

Nagsimula naman ang pagtitinginan nina Ellen at Derek sa isa’t isa matapos magkakilala dahil sa aktor na si John Estrada nang iset silang dalawa sa isang blind date. Tila nga hindi na mapigilan pa ang kanilang mainit na pagmamahalan, dahil matapos lamang ang kanilang engagement, ay isinapubliko naman nina Derek at Ellen ang plano nilang maikasal ngayong taon.

Credits: Ellen Adarna | IG

At kamakailan lamang nga, araw ng Lunes, ika-11 ng Oktubre ay ibinahagi naman ng soon to be husband and wife sa kani-kanilang social media acounts ang kanilang engagement photoshoot para sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Credits: Ellen Adarna | IG

Sa Instagram, ay parehong ibinahagi nina Derek at Ellen ang kanilang larawan na kuha sa isang lugar kung saan may matataas na damo. Sa isang IG post ni Ellen, ay ibinahagi niya ang nakangiting larawan ni Derek habang nasa gitna ng mataas na damuhan at nilakipan ito ng caption na “Hey D”. Hindi rin nagpahuli si Derek na ibahagi naman ang seryosong larawan ni Ellen sa kanyang Instagram at nilakipan ng caption na “Hey E”.

Sa sumunod namang IG post ni Ellen, ay makikita ang sweet photos nilang dalawa kung saan nga ay kitang-kitang ang kanilang saya at pagmamahal sa isa’t isa. Isang sweet ring caption ang inilakip ni Ellen sa kanyang post na nagsasabing “My Forever D”. Habang si Derek naman ay nilakipan ang kanyang IG post ng caption na “Can’t wait love”.

Credits: Ellen Adarna | IG

Ang prenup photoshoot ng celebrity couple ay isinakatuparan ng wedding photographer na si Pat Dy. At ang mga kuha ng sweet photos nina Ellen at Derek ay ibinahagi rin nito sa Instagram.

Credits: Ellen Adarna | IG

Samantala, noong nakaraang buwan ng Setyembre ay inamin ni Derek sa publiko na nagpaalam na siya sa mga magulang ni Ellen para pakasalan ang aktres. Sa ngayon ay hindi pa ibinubunyag ng mag-fiancee ang eksaktong date ng kanilang kasal ngunit noong nakaraang buwan rin lang ay napag-alaman na nagsimula nang mamahagi ng invitation sa kanilang mga guest ang celebrity couple. Patunay lamang nga nito na malapit nang maganap ang kanilang big day, at baka nga ilang araw na lang ang hihintayin ay ikakasal na sila.

error: Content is protected !!