Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Cute na Family Photoshoot Nina Billy Crawford at Coleen Garcia Kasama si Baby Amari Para sa Selebrasyon ng 1st Birthday ng Kanilang Anak

Hindi naman na talaga mapigilan pa ang mabilis na paglipas ng panahon dahil ang ubod na cute na anak ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia na si Baby Amari ay mag-iisang taong gulang na sa darating na ika-10 ng Setyembre.

Credits: Billy Crawford | IG

Matatandaan na isinilang ni Coleen sa gitna ng pandemya ang panganay nila ni Billy na si Baby Amari sa kanilang tahanan sa pamamagitan ng water birth. Hindi man madali ang pinagdaanan ni Coleen sa kabila ng maraming pangamba para ligtas na mailuwal si Baby Amari, ay hindi naman matatawaran ang sayang hatid ng munting bata sa kanilang pamilya.

Kaya naman para sa nalalapit na pagdiriwang ng kaarawan ni Baby Amari, ay isang cute at masayang family photo shoot ang ginawa ng mag-asawang Billy at Coleen. Hindi maitago ang saya ng celebrity couple para sa milestone na ito ng kanilang bundle of joy na si Baby Amari.

Credits: Billy Crawford | IG

Sa Instagram ay proud na proud na ibinahagi ng celebrity couple ang napakagandang kuha ng larawan ng kanilang pamilya na isinakatuparan ng Metro Photo.

Kitang-kita naman talaga sa larawan ang galak at saya ng kanilang pamilya. Bagama’t kuha ang mga larawan sa loob ng kanilang tahanan, at makikitang simpleng damit lang ang suot ng kanilang pamilya na kung saan ay nakasuot ng puting damit, ay hindi naman matutumbasan ang kanilang kaligayahan na hatid ni Baby Amari. At ayon pa nga sa caption ng post ni Coleen, ay talagang nagustuhan niya ang kuha ng mga larawan lalo na nga’t nakunan nito ang milestone at beautiful memories ng kanilang pamilya.

Credits: Coleen Garcia | IG

“Loooove our new [Metro] photos. So many milestones and beautiful memories captured by them! Can’t wait to share the rest.”

Para naman sa post ni Billy, ay hindi maitago ang labis na pagmamahal ng aktor sa kanilang anak ni Coleen na nagsisilbi nilang source of happiness. Labis rin nag pasasalamat ni Billy dahil ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang mapagmahal na asawang tulad ni Coleen at napakacute na si Baby Amari.

Credits: Coleen Garcia | IG

“You’re growing up so fast my child! 3 days and you turn 1. You have no idea the joy you bring to our family baby boy. I thank God every single day for my beautiful wife and for this little angel. Remember little man, Mommy and Daddy are always right here no matter what! We love you so so much.”

Isa ring nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ni Billy kay Coleen para sa walang sawang pagmamahal at sakripisyo nito sa kanilang pamilya.

Credits: Coleen Garcia | IG

“I love you so much my gorgeous, sexy strong wife! Thank you for all the sacrifices and all the love you always give me.”

error: Content is protected !!