Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Bongga at Napakagandang OOTD ni Jinkee Pacquiao na Nagkakahalaga ng P2 Million Nang Dumalo sa Laban ng Kanyang Asawang si Manny Kontra kay Ugas

Buong sambayanang Pilipino ang nagpakita ng pagsuporta sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa nakaraang laban niya kontra kay Cuban boxer na si Yordenis Ugas noong nakaraang Linggo, ika-22 ng Agosto na naganap sa Amerika. Maging ang kanyang buong pamilya ay naroon rin para ipakita ang kanilang pagmamahal at pagsuporta sa kanilang padre de pamilya.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Bagama’t, hindi nagtagumpay si Manny na patumbahin si Ugas sa kanilang laban, ay siya parin ang panalo sa puso ng kanyang may bahay na si Jinkee Pacquiao. At para nga bigyang pugay ang kanyang asawa, ay isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni Jinkee sa Instagram para kay Manny.

“To my dear husband Manny. Words cannot express how proud I am of the Man you are. I’m proud to be your wife. You mean the world to me and all our children. We love you so much.”

“We, your family, have seen how much you have toiled, sacrificed and given of yourself blood, sweat and tears since the beginning when you dreamed of becoming world champion. ”

“You never think of yourself and not afraid to risk your life on the ring time and time again because you love to make the people happy.

“More than your record feats in boxing, it is your love for God, dedication to the Word, and desire to share Jesus to every person you meet that makes us admire you more. Always here for you, my babe.”

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Samantala, bago pa man matapos ang laban ni Manny kontra kay Ugas, ay agaw na atensyon na agad sa publiko ang taglay na kagandahan ni Jinkee sa kanyang suot na bonggang OOTD habang nanonood ng laban ng kanyang asawa. Makikita si Jinkee na nakasuot ng pink dress na binagayan ng kanyang mga makikinang na accessories.

Dahil nga sa agaw pansing OOTD ni Jinkee, ay marami rin ang nagtatanong kung magkano nga ba ang halaga nito. At napag-alaman nga sa isang report, na ang all-pink OOTD ng asawa ng Senador ay nagkakahalaga umano ng mahigit P1.5 million.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Ang nasabing ulat rin ay nagbigay ng breakdown sa kabuuang halaga ng bongga at napakagandang OOTD ni Jinkee. Ang kanyang mini dress (Zimmermann) ay nasa €740 o P43,549. Ang kanyang mamahaling Mini Lady Dior pink alligator bag ay nagkakahalaga ng $8,117 to $9,500 o P406,726 to P476,026.

Pagdating naman sa kanyang mga suot na alahas, ay talaga namang mapapa-wow sa nakakalulang presyo nito. Ang kanyang gold accessories na mula sa Tiffany and Co. na Bypass Ball 18k yellow gold bracelet ay may tumataginting na presyo na$1950 o P97,710; habang ang suot niyang City HardWear 18k yellow gold and diamond pave bracelet ay nagkakahalaga naman ng $18,500 o P926,998.

 

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Maliban nga rito, ay hindi rin nawala ang napakagandang necklace ni Jinkee na mula rin sa Tiffany and Co. Jewel Box, ito’y necklace (yellow gold) with emerald-cut pink Tourmaline na may presyo na USD5,500 o mahigit P275,000. Idagdag pa rito ang kanyang Boucheron 18k rose gold diamond Serpent Boheme earrings na may rhodolite garnet na aabot ang halaga sa mahigit P227,000.

Hindi rin papahuli ang nagkikintabang singsing ni Jinkee sa kanyang mga daliri. At kabilang na nga rito ang Van Cleef and Arpels’s Perlée “Pearls of Gold” ring na may presyo umanong P71,500.

Sadyang napakaganda rin ng sapatos ni Jinkee at talagang agaw eksena ang ganda nito. Ito ay isang Amina Muaddi Begum Glass Pumps na nagkakahalaga ng mahigit P112,500.

error: Content is protected !!