Connect with us

Entertainment

Tindera ng Gulay, Isinauli ang Bag na Naglalaman ng 2.7 Milyong Piso na Kanyang Nakita, Tinanggihan ang Pabuya na Ibinibigay Sakanya

Tunay nga naman na ang katapatan at kabutihan ng isang tao, ay hindi kailanman matutumbasan ng kahit ano mang yaman sa mundo. Dahil ang pagiging isang mabuti at matapat ay isang yaman na maaari mong ipagmakaki kanino man.

Ngunit batid naman natin na sa panahon ngayon, ay iilan na lamang nga ang mga taong nanatiling matapat, at hindi nadadala ang prinsipyo sa buhay, tapalan mo man ito ng malaking halaga ng salapi o kayamanan.

Photo credits: GMA News | Youtube

Nito lamang ngang nakaraan ay isang Ginang, ang nagpatunay na ang katapatan ng isang tao ay hindi kailangang tumbasan ng anumang salapi o pabuya, dahil sa batid niyang ang Diyos na ang bahala sa kanya, dahil sa mga mabubuti niyang nagawa.

Ang Ginang ngang ito ay kinilalang si Alice Baguitan, isang tindera ng gulay na mula sa Ilocos Norte na kung saan ay pinatunayan niya na may mga tao pa rin hanggang ngayon na tulad niya, na handang tumulong sa kapwa na hindi humihingi ng anumang kapalit o pabuya.

Ayo nga kay Ginang Alice, ibinalik niya ang isang bag sa may-ari nito, at hindi niya alam na ang bag pala na kanyang nakita at binalik ay mayroong laman na napakalaking halaga ng salapi, dahil sa ito’y naglalaman pala ng 2.7 Milyon.

Photo credits: GMA News | Youtube

Iknuwento nga ng Ginang ang buong pangyayari kung paanong napunta sa kanya ang bag, at paano niya ito nagawang ibalik sa nagmamay-ari nito.

Base nga sa naging kwento ni Ginang Alice, kumakain siya sa isang fast food resto, ng may isang babae na tumabi sa kanya, ag ito ay mayroong dala-dalang bag. Ngunit ilang sandali lamang, ay agaran ding umalis ang babae, dahil sa nagkaroon umano ito ng emergency at dito na nga nakalimutan ng naturang babae ang kanyang bag, na nailagay nito sa may paanan ni Alice.

Photo credits: GMA News | Youtube

Mabuti na nga lamang, at si Alice ay sadyang isang mapagmalasakit at matapat na mamamayan, kung saan ay ginawa niyang ibalik ang nasabing bag, dahil sa narinig naman niya kung saan tutungo ang babaeng kanyang nakatabi at nakaiwan ng bag sa kanyang paanan.

Ayon nga kay Ginang Alice, matapos niyang maibalik ang bag sa babaeng nakaiwan nito, ay agad siyang niyakap nito ng mahigpit, at binibigyan pa nga siya nito ng pabuya, dahil sa malaking halaga pala ang laman ng bag na kanyang ibinalik, ngunit mariin itong tinanggihan ni Ginang Alice.

Isinaad naman ni Ginang Alice, kung bakit tumanggi siya sa pabuya na ibinibigay sa kanya, at ito nga ay dahil umano sa hindi naman niya alam na mayroong malakibg halaga ng salapi ang bag na kanyang isinauli, at hindi rin naman daw ito ang unang pagkakataon na siya’y nagbalik siya ng pera sa kanyang kapwa.

Para nga kay Ginang Alice, sa Diyos lamang siya naniniwala, at lahat ng kanyang mabubuting nagawa at katapat sa kapwa, ay ang Diyos na ang bahalang magbalik biyaya sa kanya.

 

error: Content is protected !!