Connect with us

Entertainment

Tinaguriang ‘Hipon Girl’ na Si Herlene Nicole Budol Nabili na ang Pangarap Niyang Sasakyan, Hindi Napigilan ang Maiyak sa Labis na Kaligayahan

Marami man tayong pinagdaraanang pagsubok at problema sa ating buhay, ay hindi naman natin ito sinusukuan, dahil naniniwala tayo na darating din ang panahon na ang lahat ng dumaraan sa buhay natin ngayon na hindi maganda ay mapapalitan ng pagbuhos ng maraming magagandang biyaya na siyang magpapalasap sa atin ng kasaganahan sa buhay na ating pinapangarap, hindi lamang para sa ating sarili kundi maging para sa ating pamilya.

Ang dalagang si Herlene Nicole Budol o tinagurian ng marami bilang si ‘Hipon Girl’ ay isa lamang sa mga nagpatunay na lahat ng mga pagsusumikap sa buhay at pagharap sa mga pagsubok ay may kapalit na kasaganahan.

Si Herlene ay unang nakilala ng publiko ng makitaan siita ng potensyal sa programang Wowowin, na siyang naging daan para mag bukas ang maraming mga oportunidad sa kanya sa mundo ng showbiz.

Photo credits: Herlene Budol | IG

Hindi naging lihim sa publiko na si Herlene ay nanggaling sa kahirapan, pero dahil sa kanyang determinasyon at pagsusumikap na mabigyan ng maganda at masaganang buhay ang kanyang pamilya, ngayon ay unti-unti na nga niyang natutupad ang lahat ng mga pinapangagrap niya. Ang pagiging isang komedyante at host ang isa sa mga naging puhunan niya para masimulang mabigyan ng katuparan ang pangarap niya sa buhay.

Sa kabila naman ng pagsisimula ng magandang pangyayari sa buhay ni Herlene, ay matatandaan na ng makapanayam siya ni Toni Gonzaga, ay inamin ni Hipon Girl na noong nakaraang taon sa kasagsagan ng pandemya, kung saan maraming showbiz personalities ang naapektuhan at nawalan ng proyekto ay isa nga siya sa mga ito. Saad pa niya, nang mga panahon na ‘yun ay talagang ‘back to zero’ siya, ngunit kahit magkaganu’n man ay nanatili siyang positibo, hanggang sa muli siyang makatanggap ng proyekto at maka-recover krisis na pinagdaanan niya.

Photo credits: Herlene Budol | Youtube

Samantala, magmula ng pasukin ni Herlene ang showbiz, ay madalas niyang inuuna at prayoridad ang pangangailangan ng kanyang pamilya, kaya naman ngayon na dumadagsa ang biyaya sa kanyang buhay at may mga taong talagang tumutulong sa kanya na matupad lahat ng pangarap niya, sa wakas nga ay maging sarili niyang pangarap ay na-achieve na ni Herlene, tulad na lamang ng makabili siya ng kanyang sariling sasakyan.

Photo credits: Herlene Budol | Youtube

Photo credits: Herlene Budol | Youtube

Noon lamang ika-31 ng buwan ng Marso ay mapapanood sa ibinahaging vlog ni Herlene sa kanyang YouTube channel ang achievement niyang ito. Ayon pa sa kanya, ito ang kauna-unahan niyang sasakyan kaya naman talagang labis ang kanyang kasiyahan, dahilan para hindi niya mapigil ang sarili na maging emosyonal.

Photo credits: Herlene Budol | Youtube

Photo credits: Herlene Budol | Youtube

“Hindi ko ini-expect na magkakaroon ako ng sasakyan”, saad ni Hipon Girl habang tumutulo ang luha.

Makikita naman na pinapatahan si Herlene ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino, na nagsabi pang,

“Sa tagal ng pinaghirapan ni Hipon, ngayon lang siya magkakaroon ng first own car niya kaya naiiyak siya.”

Ayon pa sa manager ni Hipon na si Wilbert, tunay na deserve ng alaga niyang si Herlene ang achievement na nakakamit nito ngayon, lalo pa’t noon pa man ay labis na ang kayod na ginagawa nito para sa sarili at sa kanyang pamilya.

Ikinatuwa naman ng mga tagahanga at tagasuporta ni Herlene ang nakamit niyang achievement.

error: Content is protected !!