Connect with us

Entertainment

Tinaguriang Carrot Man Na Si Jeyrick Sigmaton, Isa Na Ngayong Award Winning Actor

Hindi nga inaasahan ng dating nag-viral dahil sa kanyang kagwapuhan at tinaguring si Carrot Man na si Jeyrick Sigmaton na makakatanggap siya ng parangal bilang isang mahusay na aktor. Si Jeyrick ay isang Igorot na taglay ang kahanga-hangang kagwapuhan, dahilan nga kung bakit siya nakilala ng publiko.

Photo Credits to the Owner

At mula sa pagiging si Carrot Man, kamakailan lamang ay nanalo si Jeyrick bilang best actor sa naganap na International Film Festival Manhattan 2021 para pelikulang Dayas sa Short Film category. Maliban pa dito ay nakatanggap rin siya ng parangal na Dangal ng Lahi Award sa ginanap na awarding ceremony noong November 27, 2021 sa grand ballroom ng Okada Hotel.

“Nung una nga po hindi ako makapaniwala, pero nung nakita ko talaga na totoo pala kasi nag-scroll-scroll din ako, panalo pala tayo talaga.”

“Nagulat ako talaga kasi hindi ko naman inaasahan na magkakaroon ako ng ganung award tapos international pa siya.”

Photo Credits to the Owner

Tila nga unti-unti nang nailalabas ni Jeyrick ang kanyang natatagong talento upang patunayan ang kanyang husay sa pag-arte bilang isang aktor. Ayon pa nga kay Jeyrick, ay malaking bagay ang natanggap niyang parangal para sa kanilang mga Igorot.

“Malaking bagay po ito sa akin at sa kapwa namin mga Igorot na ipakita po yung talento namin sa buong mundo. Wala pong imposible, basta kung gusto mo may paraan, kung ayaw mo may dahilan,” reaksyon pa niya.

Samantala, ibinahagi naman ni Jeyrick na ang short film na Dayas ay ginawa nila sa gitna ng pandemya dahil talagang nagustuhan niya ang takbo ng kwento na hango sa tunay na buhay. Dagdag pa ni Jeyrick, ang mga kasama niyang gumanap sa pelikula ay tulad rin niyang mga Igorot kaya naman proud na proud siyang ipamalas ang kanilang talento sa buong mundo.

“Hindi lang po yon yung offer na dumating sa akin na gumawa ng movie. Pero ito yung pinaka-the best kasi true to life story siya.”

Photo Credits to the Owner

“Lahat po ng gumana dito sa Dayas ay mga pure blooded Igorot po na kagaya ko. Igorot po kaming lahat. Yung direktor namin gusto niyang ipunin lahat yung mga Igorota na may mga talento para ipakita sa buong mundo na kaya rin naming gumawa ng pelikula,” lahad pa niya.

Naitanong naman kay Jeyrick kung ano ang kanyang dream role at ayon naman sa binata, ay wala pa siyang dream role sa ngayon dahil hangga’t kaya niyang gawin ang proyekto ay gagawin niya. Ibinunyag naman ni Jeyrick, na ang kanyang dream leading lady ay ang aktres at napakaseksing si Ivana Alawi.

Matatandaan na nakilala ng publiko si Jeyrick noong 2016 nang may kumuha ng kanyang larawan at ibinahagi ito sa social media. At dahil nga talagang agaw pansin ang kanyang kagwapuhan, ay nabihag ni Jeyrick ang atensyon ng publiko.

“Nag-gardening kami sa Benguet kung saan nanggagaling yung mga patatas, carrots, at lahat ng mga klase ng gulay, so yon ang trabaho namin. And then one day may mga dumaan na bisita and they took a photo of me and pinost sa social media pero hindi ko alam yon. Don nagsimula ang lahat hanggang ito na nga, showbiz life, yon po yung pinagbago no’n.”

At ngayon nga na kilala siya bilang si Carrot Man kung saan ay malaki ang nabago sa buhay niya at nakapasok na rin sa mundo ng showbiz, ay ipinaliwanag naman ni Jeyrick na sa kabilang banda, ay namimiss parin niya ang simple at masayang buhay sa Benguet.

Photo Credits to the Owner

“Pero kahit na ganun, ang masasabi ko lang ay hindi po nagbago lahat. May mga nakasanayan din ako na binabalik-balikan ko.”

“Actually, si Jeyrick nami-miss niya yung buhay niya dati. Pero pa si Carrot Man, sa limang taon na nando’n, okey lang yon. Pero yung si Jeyrick, siyempre kailangan din nating umuwi-uwi, di ba? So, may simpleng buhay din si Jeyrick Sigmaton. So, dalawang tao po yan. Pag naka-on po yung kamera yon po si Carrot Man. Kung naka-off po yung camera yon po si Jeyrick Sigmaton,” paliwanag ng binata.

error: Content is protected !!