Connect with us

Entertainment

‘Time flies so fast’: Hayden Kho, Isang Proud Daddy sa Pagtatapos ng Kanyang Anak na si Scarlet Snow Belo sa Preschool

Napakabilis naman talaga ng paglipas ng panahon. Sa hindi nga namalayang paglaki ng ating mga anak, ay hindi natin lubos maisip na sila’y nakapagtapos na ng pag-aaral.

Katulad na lamang nga ng isa sa hinahangaang celebrity kids sa showbiz na si Scarlet Snow Belo na kamakailan lamang ay nakapagtapos na sa preschool. Sa unang hakbang sa pag-aaral ni Scarlet ay nakasuporta sa kanya ang kanyang mga magulang na sina Hayden ko at Dra. Vicki Belo.

Kaya naman, sa pagtatapos ng kanilang anak ay talagang masaya at proud na proud sila para rito. Isa ngang proud daddy si Hayden Kho sa naging pagbati niya sa kanyang post sa Instagram.

Credits: Scarlet Snow Belo| Instagram

Sa Instagram page ni Scarlet kung saan ay hawak ng kanyang mga magulang, makikita ang larawang ibinahagi na nakasuot ng blue toga ang anim na taong gulang na si Scarlet na kilala rin bilang social media darling. Makikita naman sa larawan ang masayang ngiti ni Scarlet na nagpapakita ng kanyang tagumpay sa milestone niyang ito. Caption naman sa post nito:

“Pre-school was so much fun. I started so small but now I’m bigger and I know a lot more.”

Sa isang lnstagram post naman, ay ibinahagi ni Hayden kung gaano niyang ipinagmamalaki ang kanyang anak na si Scarlet kung saan ay hindi na umano niya namalayan ang mabilis nitong paglaki.

Credits: Hayden Kho| Instagram

“Time flies so fast. Our once-so-little @scarletsnowbelo is now 6yo and has just finished kindergarten today,”saad ni Hayden.

Sa kabila ng pagiging proud daddy sa nakamit na tagumpay ni Scarlet, ay hindi naman maiwasan ni Hayden na makaramdam ng kalungkutan sa isipin kung anong klaseng bata si Scarlet kung nagkaroon pa siya ng maraming oras para makapiling ang anak.

“What kind of child would she be if I had spent even more time with her everything I think she needs to know to mature in the Christlike person I’d like her to be, what would she be like.”

“Life involves a lot of challenges, struggles, and compromises. Lord, please keep me from tampering with the inviolables,”dagdag pa nito.

Credits: Scarlet Snow Belo| Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Hayden ay makikitang nakasuot rin ng blue toga si Scarlet habang may nakapatong namang korona na bulaklak sa kanyang ulo.

Matatandaan naman noong 2016, ay ipinaliwanag ni Hayden kung saan nagmula ang pangalan ni Scarlet. At ito nga ay mula sa isang Bible Verse Isaiah 1:18: “Though your sins be red as scarlet, I shall make it white as snow.”

error: Content is protected !!