Connect with us

Entertainment

Tim Yap at Partner nito Nagbakasyon sa Tinaguriang “World’s Most Expensive Resort” na Matatagpuan dito sa Pilipinas

Published

on

Ang pagbabakasyon sa magagandang lugar tulad ng mga beach resort ay isang paraan ng mga celebrity para makalayo sa stress na dala ng kanilang mga trabaho. Kaya naman kung may pagkakataon ay talaga naman sinusulit nila ito kahit na gumastos pa sila ng malaking halaga ay okey lang kung makakapagrelax naman sila.



Tulad nalang nga ng sikat na TV host na si TIm Yap na kamakailan lang ay nagbakasyon sa isa sa tinaguriang pinakamahal na resort sa buong mundo at ito ay ang Banwa Resort.

Ang Banwa Resort ay nasa isang pribadong isla na matatagpuan sa Roxas, Palawan, Philippines na may 6 na hektaryang. Kaya kasi ito naituring na pinakamahal na resort sa buong mundo dahil nagkakahalaga lang naman ang isang gabi nito ng $100,000 o halos 5.2 milyong piso at tatlong gabi ang pinasaglit na pwede kang magcheck-in dito.

 

Nagbahagi naman si Tim Yap sa kanyang Instagram account ng mga larawan niya habang nasa isla kasama ang kanyang partner na si Javi Martinez. Isinulat niya dito sa kanyang post na masaya ito dahil sila ang unang guest sa napakagandang resort na ito at solo daw di umani nila ang buong isla #exclusivelyyours.



Ilan sa mga larawan na ibinahagi ni Tim ay ang larawan nila nasa beachfront ng Villa habang ineenjoy ang kanyang tasa ng kape at tinitingnan ang ganda ng “Banwa golden sunrise”.

Ipinakita din ni Tim Yap sa kanyang account ang loob ng villa na kanyang pansamantalang tinirhan. Makikita dito ang kanyang master bedroom at walk-in-closet na kung saan ay nakalagay at nakaayos na ang kanyang mga gamit sa loob. Sabi ni Tim Yap, “didn’t have to lift a finger” dahil daw mismong staff na ng villa ang nagaayos at naglalagay ng mga gamit nila sa kanilang kwarto at sa kanya kanya nilang closet.



Binahagi din ni Tim Yap ang isang comfy beach na sun bed at nilagyan niya ito ng caption na “Ocean in front of me, forest behind me, my heart is happy. Found my spot.”

Dahil sa medyo pribado ang nasabing resort na tinuluyan nila Tim, 48 na guests lang ang kaya nitong tanggapin na kung saan sila ay pwedeng magsama sa anim na villa ng resort. Bukod sa celar blue sulu sea na mayroon ang nasabing resort, pwede din magenjoy ang mga guest sa ibat ibang aktibidad na inaalok ng resort tulad ng diving, kayaking, beach volleyball at jetski.

Ang Banwa resort ay mayroon ding infinity pool, jacuzzi deck, floor-to-celling na bintana kung saan makikita mo ang magagandang view at isang dedikadong buttler. Pagdating naman sa pagkain, merong in-house nutritionist at juicelogist ang resort, dito din nagtratrabaho ang celebrity chef na si Chef Nadedja Boucha. Mapupuntahan lang ang Banwa Resort sa pamamagitan ng helicopter, seaplane o di kaya ay private jet.

error: Content is protected !!