Connect with us

Entertainment

Tili at Dahlia, Nagbigay Goodvibes sa Social Media Matapos Ibahagi ng Kanilang mga Ama ang Kanilang Naging Ballet Lesson

  • Nagbigay goodvibes sa social media ang magpinsan na si Dahlia Amelie Heussaff at Thylane Katana Bolzico matapos ibahagi sa social media ang kanilang napaka cute na mga video.
  • Ang nasabing video ay ibinahagi ng kanilang mga ama na sina Erwan Heusaff at Nico Bolzico.
  • Makikita sa video ang magpinsan habang nag ba-ballet dancing kasama ang ibang mga bata at ang kanilang mga ballet teachers.

Nagviral at naghatid ng ngiti sa social media ang bagong video ng magpinsang si Dahlia Amelie Heussaff at Thylane Katana Bolzico habang ang mga ito ay nag baballet dancing.

Sa ibinahaging  video stories ng kanilang mga ama na sina Erwan Heusaff at Nico Bolzico, makikita na nag ba-ballet lesson ang dalawa kasama ng ibang cute na mga bata.

Sa instagram account ni Dahlia, ibinahagi nito ang maikling video kung saan cute na cute si Dahlia sa kaniyang suot na balerina dress habang may caption na, “first day of her ballet class”.

Maliban sa video stories na ibinahagi ng kanilang mga ama, ibinahagi din ang isang maikling video sa instagram ni dahlia kung saan kitang kita ang magpinsan na enjoy na enjoy sa pag ba-ballet dancing habang tumutugtug ang music na “Let it Go” ng sikat na Disney Movie na Frozen.

Sa isa pang maikling video na ipinost din ng instagram account ni Dahlia makikita ang little balirina habang naka split at lumiliyad pa, hindi naman mapigilan ng mga netizens na mangigil sa kacute-tan ng magpinsang ito.

Si Dahlia at Tili ay ilan lang sa mga celebrity babies na napakaraming followers, mga babies palang pero lumalabas na ang kanilang mga talento at hilig. Makikita na talagang may pinagmanahan ang dalawa.

error: Content is protected !!