Connect with us

Entertainment

Throwback Photo Ni Sunshine Cruz Noong Siya’y 14 Years Old Pa Lamang, Hinangaan Ng Publiko

Ang singer at aktres na si Sunshine Cruz ay isa nga sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz kaya naman hindi na nakapagtataka kung marami ang humahanga sa kanya. Ngunit, kung ngayon nga ay taglay ni Sunshine ang kahanga-hangang kagandahan, tiyak naman na mas maganda ang mukha ng aktres noong siya’y dalaga pa lamang.

Credits: Sunshine Cruz| IG

At kamakailan lamang nga, ay nagbalik tanaw si Sunshine sa kanyang kabataan. Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang isang throwback photo, kung saan masisilayan ang maganda at batang-bata niyang hitsura noong siya’y 14 taong gulang pa lamang.

Sa isang panayam ay napag-alaman na ang lumang larawan na kanyang ibinahagi sa Instagram ay padala sa kanya ng kanyang ina. Sa caption naman ng kanyang post, ay ibinahagi niya ang mga mahahalagang pagbabago sa buhay niya.

Credits: Sunshine Cruz| IG

“Nakakatuwa lang na balikan at alalahanin. Isa sa masasayang panahon ng buhay ko yan. Fourteen, very young, and dyan nagsimula ang maraming bagay for me.”

“I was taught to be confident, to sing na maraming taong nanonood, and learned to dance and act.”

“I also made lots of friends, and diyan nagsimula na nagkaroon ako ng sariling pera.”

Ang nasabing larawan ay kuha noong 1991, at ito nga ay ilang araw lamang bago siya naging opisyal na bahagi ng variety show na That’s Entertainment. Nagbalik tanaw rin ang aktres sa pagsisimula ng kanyang karera sa showbiz kung saan nga sa edad na 14, ay pinasok na niya ang pag-aartista.

Credits: Sunshine Cruz| IG

“I just started joining That’s Entertainment. I was 14 years old there. Very awkward and shy haha. I don’t know how to smile pa nang hindi labas ang ngipin.”

Samantala, ibinahagi rin ni Sunshine sa kanyang post ang kanyang labis na pasasalamat sa namayapang si German Moreno na siyang nagkumbinsi sa kanya para maging bahagi ng programa.

“Kuya Germs convinced me to join That’s Entertainment mga ilang araw bago yang photoshoot na yan.”

“I attended my uncle’s [Ricky Belmonte] birthday celebration when he saw me and asked me if I want to be a part of That’s Entertainment. Then the rest was history.”

Credits: Sunshine Cruz| IG

Agaw pansin naman talaga sa throwback photo ni Sunshine ang kanyang natatanging kagandahan. At kung ikukumpara nga ngayon, ay tila hindi nadagdagan ang edad ng aktres. Kaya naman, marami sa kanyang mga tagahanga at kaibigan sa showbiz ang nag-iwan ng komentong puno ng paghanga at papuri sa kanyang post. Ilan lamang sa mga ito sina Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Richard Juan, at Yam Concepcion.

Credits: Sunshine Cruz| IG

Marami naman ang nagsasabing kahawig raw ni Sunshine sa nasabing larawan ang kanyang anak na si Angelina. Bagay nga na kanya namang sinang-ayunan.

“People say I look like my daughters, especially Angelina. Yes, I guess sya nga talaga ang pinakanakakahawig ko sa 3 girls.”

error: Content is protected !!