Connect with us

Entertainment

Throwback: Balikan ang Masayang Bakasyon Nila Yassi Pressman at Coco Martin Kasama ang Ilang Cast ng Ang Probinsyano sa Germany

Published

on

“Guys have friends that are girls, because it gives them someone to talk about their feelings with. Girls have friends that are guys, Because there is so much less drama”,

sa panahon ngayon na pangkaraniwan na maging mag-bestfriend ang isang lalaki at isang babae masasabing tuluyan na talagang nagbago ang pananaw ng tao sa pakikitungo sa opposite na kasarian.




Katulad na lang ng on screen loveteam at partner na sina Yassi Pressman at Coco Martin pinatunayan nila na maari talagang maging malapit na magkaibigan ang isang babae at isang lalaki. At sa paglipas ng panahon ay mas tumibay ang pagkakaibigan nilang dalawa sa harap man maging sa likod din ng kamera.




  

Sa Instagram nga ng “Ang Pambansang Third Wheel” actress ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Coco Martin habang namamasyal sila sa Germany,

“yassipressman hihi, nakapasyal din ang on screen partners na sina Cardo at Alyana! ☺️ ~ pero sa totoong buhay din naman, napakarami kong ipagpapasalamat sa partner kong ito. Thank you for being one of my bestest friends. 🙏❤️ You’re truly a blessing to everyone, at mahal ka naming lahat 🌲 @mr.cocomartin #FPJsAngProbinsyano”, makahulugang caption pa dito ni Yassi.




Samantala, dahil sa tinagal-tagal na ng pagsasamahan nila Yassi at Coco bilang Alyana at Cardo ilang mga netizen ang hindi naiwasang mag-isip na may namamagitan na sa kanilang dalawa na pareho namang pinabulaanan ng dalawang Kapamilya artist. At sa isang pahayag nga ng 24 na taong gulang na aktres ay inamin niyang natutuwa siya mga feedback na natatangap ng kanilang loveteam.

Sa kabilang banda, pumunta ang buong cast ng “Ang Probinsyano” sa Germany upang magperform sa mga kababayang naroroon at pagkatapos ng kanilang event ay sinamantala na rin ng aktor at aktres ang pagkakataon na makapamasyal habang masaya silang nagpapakuha din ng larawan.




Ilang mga tagahanga nila Yassi at Coco Martin ang kilig na kilig na nagpaabot ng kani-kanilang mga mensahe,

“cy.chay23__ OMG!!! My cocoyass ❤️❤️❤️❤️❤️.. Iloveyou both! Khit anung mngyari marami kami nkasuporta s inyo my love.. 😘😘”,
“__ccy__forever OMG Ang puso ko sasabog yata sa sobrang Kilig ❤️ Natupad din Ang pangako ni Cardo,Na ipapasyal nya c Alyana 😍❤️”,
“aimcatherinewen Solid cocoyass 💕 😊 Iloveyouboth Hanggang sa dulo @yassipressman @mrcocomartin ❤️”,
“askepot_007 Ay grabe di ko na kaya to hihimatayin na ako 😍”,
“elvie1006 Lalong mas sumaya ang pasko naming.. CocoYass Forever 😍😍😍❤️❤️❤️❤️❤️”.
Happy Trip sa inyo Alyana at Cardo Dalisay!

error: Content is protected !!