Connect with us

Entertainment

Three-Storey House Sa Cebu Ng Seksing Aktres Na Si Sunshine Guimary, Napinsala Ng Bagyong Odette

Marami sa ating mga kababayan ang naapektuhan nang mag-landfall ang bagyong Odette sa ating bansa. At higit ngang naapektuhan ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao. Unang nag-landfall ang bagyong Odette sa Siargao nitong ika-16 ng Disyembre. At nasaksihan ng marami ang pinsalang dulot ng hagupit ng bagyong Odette.

Photo credits: Sunshine Guimary | IG

Photo credits: Sunshine Guimary | IG

Hindi naman dito natatapos ang matinding hagupit ng bagyo dahil nanalasa naman ito sa Visayas Region. Hindi nga nakaligtas ang probinsya ng Cebu sa nakaranas ng matinding pinsala ng bagyong Odette.

Kaya naman, ang napakaganda at napakaseksing aktres na si Sunshine Guimary ay labis na nalungkot sa sinapit ng kanyang mala-mansyong tahanan sa Cebu matapos mapinsala ng bagyong Odette. Nito lamang ika-17 nang Disyembre nang ibahagi ng aktres sa kanyang Instagram stories ang mga larawan ng kanyang 3-storey house kung saan makikita ang pinsala ng bagyo.

Photo credits: Sunshine Guimary | IG

Sa unang larawan ay makikita ang mga basag na salamin na nagkalat sa hagdanan ng kanyang bahay. Hindi nga maitago ni Sunshine ang labis na panghihinayang sa sinapit ng kanyang naipundar na bahay sa kanilang probinsya.

Ang nasabing larawan ay nikalipan naman niya ng caption na: “Ubos na”. Ang kaparehong larawan ay muling ibinahagi ni Sunshine ay nilagyan ng caption na “Typhoon Odette”.

May larawan ring ibinahagi si Sunshine kung saan makikita naman ang harapang bahagi ng kanyang bahay. At sa front gate ay makikita ang mga nilipad na bahagi ng bahay. Makikita rin ang nasirang bubong ng bahay at maging ang isang puno na nabali sa labas ng kanyang bahay.

May pag-aalala namang caption ng aktres sa larawan,“I need to go back immediately.”

Photo credits: Sunshine Guimary | IG

Photo credits: Sunshine Guimary | IG

Hindi naman talaga maiwasan ng aktres ang mag-alala lalo na nga’t ang mala-mansyon sa gandang bahay na kanyang naipundar dahil kanyang sa pagsusumikap bilang isang artista, ay nakikita niyang sira-sira dahil sa pinsala ng bagyo.

Photo credits: Sunshine Guimary | IG

Si Sunshine Guimary ay nakilala ng publiko dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan. Nadiskubre ng Viva si Sunshine dahil sa kanyang mga seksing larawan na kanyang ibinabahagi sa Instagram. Bagama’t, wala pa siyang karanasan sa pag-arte, ay agad namang pinabilib ni Sunshine ang mga manonood sa kanyang husay sa pag-arte na talaga namang may hugot.

Photo credits: Sunshine Guimary | IG

Sa kanyang unang pelikulang Kaka, ay agad nga siyang isinalang bilang bida ng pelikula. At dito nga pinatunayan ni Sunshine na may ibubuga siya hindi lamang sa mga mapangahas na role pagdating sa pagpapaseksi at hubaran, kundi pati na rin sa maemosyong pag-arte.

Dahil nga talagang walang inuurungan si Sunshine ay una siyang binansagang mandirigma sa kama. Maliban dito ay tinawag na rin siyang bandida sa hubaran.

error: Content is protected !!