Connect with us

Entertainment

“There is no such thing as luck”: Chesca Kramer, Ibinahagi Ang Sikreto Sa Masaya At Matibay Na Pagsasama Nila Ng Kanyang Asawang Si Doug Kramer

Maraming mag-asawa ang naghahangad na tumagal ang kanilang pagsasama. Kaya naman, talagang ginagawa nila ang abot ng kanilang makakaya para mapanatili ang kanilang magandang relasyon.

Photo credits to the owner

Pagdating nga sa pagkakaroon ng isang masaya at matibay na pagsasama bilang mag-asawa, ay kabilang riyan ang mag-asawang sina Chesca at Doug Kramer. At kamakailan lamang nga ay ibinahagi ni Chesca ang sikreto nilang mag-asawa upang mapanatili ang kanilang matibay at magandang samahan bilang mag-asawa sa loob ng labin-tatlong taon.

Photo credits to the owner

Ayon nga kay Chesca, kung may nakikitang mag-asawa na masayang nagsasama ay hindi ito dahil sa swerte. Pag-amin pa nga ni Chesca, ang buhay mag-asawa ay hindi madali kung saan ay malaking parte nito ang away at tampuhan. Ngunit, sa kabila ng mga pagsubok at away na kanilang pinagdaanan, ay mas nanaig ang kanilang pagpapatawad pa isa’t isa. At sa loob ng maraming taong pagsasama ay natutunan na rin nilang intindihin ang kamalian ng bawat isa.

Photo credits to the owner

“If you see a married couple still in love through the years, you may think how lucky they are. But in marital relations, there is no such thing as luck,”pagbabahagi ni Chesca tungkol sa buhay ng isang mag-asawa.

“They made compromises, they overlooked each other’s faults. They forgave many mistakes and endured many problems. They spent years learning to understand each other.”

Binigyang-diin rin ni Chesca na ang masaya at matibay na pagsasama ay hindi nababatay sa swerte bagkus nga ay binubuo ito ng isang sikreto. At ito nga ay ang pagkakaroon ng mahabang pasensya, parehong pangarap, pagbibigayan, respeto, pag-aalaga, at pagpapatawad.

Photo credits to the owner

Ngunit, ang pinakamahalaga nga sa lahat na makakapagpatibay sa pagsasama ng mag-asawa ay ang tunay at wagas na pagmamahal sa isa’t isa. At pagkatapos nga ng araw, ay ang pagpili parin sa minamahal at ang patuloy na pagharap sa mga pagsubok ang siyang makakatulong para tumibay ang isang relasyon.

“At the end of the day, choosing, and loving each other, and making the marriage work is always a choice.”

Photo credits to the owner

Hindi nga maikakaila na ang mga binanggit ni Chesca sa kanyang post kalakip ang sweet na larawan nila ng kanyang asawang si Doug, ay ang sikreto nilang mag-asawa para sa isang masaya at matibay na pagsasama. Ang kanilang pagsasama nga sa loob ng labing tatlong taon ay biniyayaan ng dalawang anak na babae at isang lalaki. Sila ay sina sina Kendra, Scarlett, at Gavin na siyang nagbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya.

Ang kanilang pamilya nga ay talagang hinahangaan ng publiko dahil makikitang puno ito ng saya at pagmamahalan.

error: Content is protected !!